RP pinisak ang Uruguay sa Chess Olympiad

PINOSTE ng team Philippines ang dalawang sunod na panalo matapos pisakin ang Uruguay, 3-1, sa fifth round ng 39th World Chess Olympiad na ginaganap sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Tinarak nina Pinoy woodpushers John Paul Gomez at Richard Bitoon ang full point sa boards 2 at 4 habang nakipaghatian ng puntos sina super GM Wesley So, (ELO 2668) at first Asia’s GM Eugene Torre sa boards 1 at 3 ayon sa pagkakasunod.

Pinisak ni former Dela Salle top player Gomez si FM Manuel Larrea sa 33 moves ng King’s Indian habang kinaldag ni Bitoon si Alvaro Guerrerosa 43 sulungan ng Caro-Kann upang iakyat ang bansa sa 16th to 38th places kasalo ang seeded no. 3 na China na may 7 team match point.

Tabla ang laban ni So kay GM Andres Vila Rodriguez sa 52 moves ng London system habang nakuha ni Torre ang half point kay IM Bernardo Mailhe Roselli sa 26 tirahan ng Nimzo-Indian defense.

Nakatakdang makipagsulungan ng piyesa ang 37th seed Philippines kontra 35th seed Belarus sa sixth round.

Samantala, nalasap ng host country top seeded Russia 1 at 4th seeded Russia 2 ang kabiguan laban sa Hungary, 1.5-2.5 at Armenia, 1.5-2.5 ayon sa pagkakasunod.

May perfect 10 points ang Hungary at Armenia kasalo ang seeded no. 20 Georgia na pinisak ang Vietnam, 3.5-0.5.

Tatlong bansa naman ang magkasalo sa 4th to 5th places na kinabibilangan ng Ukraine at The Netherlands na may 9 puntos.

Makakalaban ng Georgia at Armenia sa top board habang maglalaban sa board two table ang Hungary at Ukrain.

Inaasahang isa sa magiging highlights ng laro ang labanan nina Vassily Ivanchuk, (2754), ng Ukraine at Peter Leko, (2724), ng Hungary. ED

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply