RP sinakop ng Spain sa Chess Olympiad

NATALO ang men’s Philippine Chess team sa isang dikit na 1.5 – 2.5 decision sa 12th seed na Spain sa kabila ng mahigpit na laro ni GM Wesley So laban sa ex-world championship finalist na si GM Alexei Shirov sa send round ng 39 World Chess Olympiad sa Khanty Mansisyk, Russia.

Nagpamalas ng pagka-agresibo ang 16-anyos na si So sa paglaban sa atake ng pinapaboran at higit na expirensiyadong si Shirov bago pumayag sa draw pagkaraan ng 39 moves.

Ito ang ikalawang draw sa pagitan nina Shirov at So na nagtabla sa kanilang sixth round labanan sa Dresden Olympiad noong 2008.

Nagtabla rin sina GM Darwin Laylo at GM Jordi Magen Badals sa 50 moves ng Sicilian defense samantalang si IM Richard Bitoon ay tumabla rin kay GM Daniel Alsina sa 42 moves ng Sicilian Sveshnikov.

Tanging si GM John Paul Gomez ang natalo sa 22 moves laban kay GM Ivan Salgado.

Ang Philippine Women’s team ay nangapa rin laban sa pinapaborang Romania sa iskor na 3.5 – .5.

Si Cheradel Chardine Camacho ay tumabla sa top Romanian player na si IM Christina Adela Foisor. Ang tatlong board ay napagwagian ng Romania na kung saan si Catherine Perena ay tinalo ni WGM Elena Cosma, nagwagi si WGM Carmen Voicu kay Shercila Cua at si Rulp Ylem Jose ay binigo ni WGM Alini L’ami.  RT

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply