RP team ready na sa World Chess Olympiad

Handang-handa na ang mga pambato ng bansa para sa 39th World Chess Olympiad na gaganapin sa Khanty-Mansiysk, Russia simula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, 2010.

Kabilang sa RP Team sina Grandmaster Eugene Torre, Grandmaster Darwin Laylo, Grandmaster Wesley So, Grandmaster John Paul Gomez at International Master Richard Bitoon para sa Men’s RP team habang kasama naman sina WFM Cheradee Camacho, WFM Catherine Perena, WFM Shecila Cua, WNM  Rulp Ylem Jose, at Jedara Docena para sa Women’s RP team.

Binubuo ng 158 na bansa ang miyembro sa organisasyong ito kung saan ilan sa mga bansang malalakas na makakaharap  ng ating koponan ay ang Armenia, Georgia at Uzbekistan. Inaasahang lalahukan ng 1,376 na manlalaro ng chess  na siyang maglalaban-laban para sa prestihiyosong torneo na ito.

Isang modernong computer program ang siyang gagamitin sa pagbabasa ng mga data at pagpili ng pinakamagandang laro sa kasagsagan ng kumpetisyon.

Tubong Iloilo City si Torre at kinilala bilang kauna-unahang Asyano na nakakuha ng titulong “International Master”at napagtagumpayan ng matanghal bilang Grand Master noong 1974 nang masungkit  ang pilak na medalya sa 21st World Chess Olympiad na ginanap sa Nice, France.

Ito ang ika-dalawampung chess olympiad ni Torre kung saan dinala niya ang bansa sa pampitong pwesto noong 1988 Greece Olympiad.

Kilala si Wesley So bilang isa sa pinakabatang Grandmaster  sa buong mundo at pampito sa pinakabatang GM sa kasaysayan ng laro. Nakuha ni So ang titulo na Grandmaster sa edad sa 14 na gulang.

Habang ang pagkapanalo naman ni Laylo sa Philippine national Championship noong 2004 at 2006 ang nagbigay sa manlalaro ng pagkakataon na mapasama sa Philippine Chess Olympiad teams noong 2004 Calvia Olympiad at 2006 sa Turin.

Nakuha naman ni Gomez ang titulo bilang Grandmaster matapos matalo si GM Viktor Laznicka ng Czech Republic noong 9th round ng 38th Chess World Olympiad sa International Congress Center.

“Maganda naman ang chance namin. Unang-una napapansin ko ang kundisyon ng katawan namin, hindi sila tabain”, pahayag ni GM Eugene Torre. CT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply