Sa DOST Ovicidal Trap System, tepok lamok inaasahan

UMAASA ang Department of Science and Technology (DOST) at ang lokal na pamahalaan ng Quezon City (QC) at Marikina City na mababawasan kung di man tuluyang mapupuksa ang lamok na nagdadala ng dengue virus sa susunod na taon.

Sa sabayang paglulunsad ng “Tepok Lamok Field Testing Program” sa Urbano Subdivision, Brgy. Bagbag, Quirino Highway Novaliches, QC at Brgy, Nangka, Marikina City,  layon nito na ganap na masubok kung gaano kaepektibo ang DOST Mosquito Ovicidal Trap System sa pagpuksa sa mgamapinsalang  lamok.

Ito’y isang teknolohiya na dinibelop ng Industrial Technology Development (ITDI)-DOST upang makita ang “effectiveness” sa pagpatay ng ‘larva’ (itlog) bago maging ganap na lamok at mabawasan ang populasyon nito.

Ang “Female Aedes Mosquito” (FAM) o babaeng lamok ay kilala din bilang “Dengue Mosquito” o “Yellow Fever mosquito” na nagdadala ng dengue virus.  Nagiging sanhi ito ng kamatayan kapag tuluyang napabayaan lalo na sa mga bata.

Sa pulong-balitaan sa Brgy. Bagbag na dinaluhan ng mga magulang at mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Brgy. Captain Carlito Bernardino, binigyang diin ni Bb. Annabel Briones, Chief Chemicals and Energy Division, ITDI, na kailangan ng protina ng babaeng lamok para manganak kaya ito nangangagat. Ang lalaking lamok ay hindi nagdadala o carrier ng dengue virus.

Aniya, tatlong beses nangingitlog sa buong buhay ng isang FAM na umaabot mula 100-200 itlog sa bawat pangingitlog nito.  “Kailangan niya talagang mangagat ng tao para mangitlog.  Ang lifespan ng FAM ay mula 2-3 linggo,” ani Briones.
Nangangagat ang babaeng lamok sa madaling araw at sa hapon.

Nilinaw pa nito na 80 porsiyento ay babaeng lamok ang iniitlog  ng isang lamok sa isang pangingitlog lamang nito. “For a FAM to be ineffective, it has to bite a host carrying the dengue virus.  After it has bitten it’s host,  the FAM becomes ineffective about 7 days later—this is the extrinsic incubation period, during which time the virus replicates in the FAM and reaches the salivary glands.”

Ayon sa talaan ng Department of Health (DOH), umabot na sa halos 70,000 kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto 28, 2010 at ito ay di hamak na mas mataas kesa sa mga kaso nitong nakalipas na taon.  Ang QC ang may pinakamataas na tala ng kaso ng dengue nitong taon sa Kamaynilaan.

OVICIDAL TRAP SYSTEM

Ito’y tekonolohiya na dinibelop ng ITDI-DOST at matagumpay na napatunayang epektibo sa ginawang laboratory testing ng ahensiya.  Binubuo ito ng isang ordinaryong manipis na lata at pininturahan ng itim sa sukat na 10.9 x 7.3 sentimetro, lawanit board, 2.54 x 16.60×0.64 sentimetro ang sukat at 250 ml liquid solution.  Ito’y nagkakahalaga lamang ng P30.

Sa  field testing, inilagay ang ilang mga latang may solution sa madidilim na bahagi ng bahay gaya ng sa ilalim ng kama, bodega.

“The liquid solution serves as the ovicidal/larvicidal agent poured into the tin can,” diin pa ni Briones.  Nakababad ang kabilang dulo ng lawanit board sa solution at nababasa na rin ang kabilang bahagi nito.  Ito ang ‘ideal place’  para sa FAM  na mangitlog.

Sa 250 kabahayan na kasama sa field testing,  nagtalaga ng 10 managers sa bawat 12 kabahayan na kokolekta sa mga iniwang lata sa bawat bahay  makalipas ang 5 araw at papalitan ito ng panibago.  Sa loob ng apat na linggo o katumabas ng 1 buwan, i-e-evaluate ng managers  ang data base sa bilang ng mga lamok na naudlot ang pangingitlog.

“Based on lab test, an OTS (Ovicidal Trap System) with liquid solution was able to attract about 70 percent of the total FAM population as compared to 30 percent using OTS with plain water in a mosquito chamber measuring 60x60x60 cm.  On the 4th day of test, the OTS with liquid solution was examined and it was found that all the eggs and larva were killed/did not transform into adult mosquito,” paliwanag ni Briones.

SOLUTION

Bagama’t itinangging pangalanan ni Briones kung ano ang ‘components’ ng naturang liquid solution na ginagamit sa pagpuksa ng lamok, tiniyak naman nito na hindi nakamamatay ang naturang solution.

“We can’t divulge yet the components of the solution.  It’s a secret since we’re still in the testing period,” diin pa ni Briones.

Mahigpit lamang na inihabilin nito sa mga magulang na huwag pabayaang paglaruan ng kanilang mga anak ang latang may solution bagama’t hindi ito delikado o nakalalason upang hindi masira ang kanilang ginagawang testing.
“Please lang po huwag hayaang laruan ito ng inyong mga anak para huwag masira an gaming data gathering,” pagwawalas pa ni Briones.

D.E.N.G.U.E

Patuloy na nanawagan si Health Secretary Enrique Ona ng DOH sa pamamagitan ng pinakabagong stratehiya na turuan ang publiko sa pangangalaga sa  mga kaso ng ‘mild dengue’ sa bahay pa lamang.  Makatutulong ito na makabawas sa patong-patong na pasyeteng isinusugod sa mga hospital at health centers.

Ang ‘D’ ay nangangahulugan ng daily monitoring sa kundisyon  ng isang pasyente ng dengue.  ‘E’-encourage o hikayatin ang pag-inom ng maraming likido gaya ng oresol, tubig, juice at iba pa.  ‘N’-note any warning on dengue signs.

Gaya ng madalas na pagsusuka at pagdurugo.  ‘G’-give paracetamol for fever and NOT aspirin.  Ang aspirin ay nakapagdaragdag ng pagdurugo.  ‘U’-use mosquito nets; at ‘E’early consultation is advised for any warning signs.

“Instead of confining patients in a hospital facility, parents and teachers can practice the D.E.N.G.U.E. strategy,” ani Ona.

Ipinapayo din na sundin ang FOURmula (4-S) kontra dengue.
SEARCH AND DESTROY—Alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at pangitlugan ng lamok gaya ng gulong ng sasakyan, lata, bote at tansan.  Linisin ang mga alulod.
SELF PROTECTION MEASURES—Magsuot ng mahabang pantalon o damit na may mahabang manggas.  SEEK EARLY CONSULTATION—Kung may lagnat sa 2 magkakasunod na araw, pananamlay at may rashes sa balat, kumunsulta na agad sa pinakamalapit na doctor.
SAY NO TO INDISCRIMINATE FOGGING—mag-fogging lamang kung may dengue outbreak.

PAGLILINIS NG KAPALIGIRAN SERYOSOHIN–PIA

Nanawagan si Sen. Pia S. Cayetano sa mga ahensiya ng gobyerno na obligahin ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na ipatupad ang totohanang paglilinis sa kani-kanilang komunidad upang maiwasan ang pagkalat ng dengue na patuloy pang tumataas ang mga kaso nito.

“The government should crack the whip on local government leaders who have been neglecting their duty to implement cleanup drives in their localities. We should also push local governments to punish polluters responsible for the proliferation of breeding grounds for disease-carrying mosquitoes,” ani Cayetano, Chairperson,  Senate Committee on Health and Demography.

Sa pinakahuling ulat ng DOH, umabot na sa 84,023 ang kaso ng dengue nitong Setyembre 11 at nasa  534 na ang namamatay mula noong Setyembre 4, 2010.

“Dengue may not be as sensational as the jueteng scandal, but it is killing people and taking ill thousands of Filipinos and thus should merit government’s equal attention. The Department of Health should not be left on its own in addressing the dengue problem. The Department of Interior and Local Government and Department of Environment must also help in intensifying our national anti-dengue campaign.”

“Dengue is a deadly disease, but it can be prevented and defeated through a systematic program that ensures proper sanitation in every household and community,” giit pa ng senadora.   Linda Bohol

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply