Sahod ng mga hukom, mahistrado nabitin

UMAABOT sa P900 milyong halaga ng sweldo at allowances ang hindi naibigay sa may 2,200 huwes at 108 mahistrado mula taong 2007 hanggang 2010.

Ibinunyag  ito  ni Supreme Court Administrator Justice Jose Midas P. Marquez sa ginanap na pagdinig ng budget sa House Committee on Justice para sa Department of Justice at mga sangay na tanggapan nito.

Sinabi ni Marquez sa komite na pinamumunuan ni Iloilo Rep. Niel Tupaz, na matapos na ipatupad ang Republic Act 9227 noong 2003 na nagtatalaga ng special allowance katumbas ng 100 porsyento ng sahod ng mga mahistrado at huwes sa loob ng apat na taon mula 2003 hanggang 2007.

Isinalaysay ni  Marquez na  paunti unti lamang umano ang pagbibigay sa kanila ng allowance mula 25 porsyento noong 2003, 15 por syento no-ong 2004 hanggang 2005, 35 por syento noong 2006 at 100 porsyento noong 2007.

“Noong 2007 at 2008 ay inilabas ang Executive Order 611 at 719 na nagtatalaga ng 10 porsyentong dagdag sa sahod ng mga huwes subali’t ibinawas ang 20 porsyento mula sa espesyal na allo-wance ng mga huwes kaya’t naging 80 porsyento na lamang ang nakuha nila bukod pa sa karagdagang kaltas na buwis”, ayon sa administrador.

Sinabi nito na: “noong 2009, ipinalabas ang Executive Order 811 para sa pagpapatupad ng bagong pasahod sa mga huwes at mahistrado batay sa Joint Resolution No. 4 ng Mababang Kapulungan at Senado.

Ang unang 33 porsyento ng bagong sahod ay dapat sanang ipalalabas noong 2009 subali’t hindi ito pinondohan ng Department of Budget and Management sa dahilang dapat daw kunin ang pondo sa special allowance na ibinibigay sa kanila.”

Muling nagpalabas noong Hunyo 2010 ng EO 900 para sa pagpapatupad ng ikalawang yugto ng allowance na nagkakahalaga ng karagdagang P10,000 bawat isang hu-wes at mahistrado, nguni’t sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman ito pinondohan ng DBM sa pareho ring dahilan.

Dahil dito ay nagpalabas na ang Kataastaasang Hukuman ng “status quo ante order” sa DBM na pondohan ang dagdag sahod simula sa taong 2007 subali’t magpa hanggang ngayon ay hindi pa rin tumutupad ang DBM sa kautusan kaya’t mula taong 2007 hanggang 2010 ay umaabot na sa halagang P900 milyon ang dapat na matanggap ng mga huwes at hurado mula sa pamahalaan.

Ang kanilang problema sa sahod ay kanila umanong idudulog sa bagong kalihim ng DBM. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply