Sakaling ituloy ang kaso: Media lulusob sa kalsada

NAKATAKDANG magsagawa ng malawakang pagkilos protesta ang iba’t-ibang organisasyon ng mga mamamahayag sakaling ituloy ng Malakanyang na kasuhan ang mga ito ukol sa naganap na trahedya sa Quirino Grandstand.
Ito ang nabatid mula sa pangulo ng National Press Club na si Jerry Yap makaraang marinig nito ang naging pahayag ni Pang. Noynoy Aquino ukol sa naging report ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na inirerekomendang kasuhan sina Erwin Tulfo, Mike Rogas ng RMN at ang 3 TV network.
Sinabi ni Yap na “Hindi makatarungan yan! Walang batas na nagsasabing bawal ang mag-interview.”
Ito’y kaugnay ng nasabi ng palasyo na maaaring kasuhan ang mga media ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.
Kaugnay nito ay nagpahayag din ng buong pagsuporta ang Alyansa ng Filipinong Mamamahayag sa pangunguna ng pangulo nito na si Benny Antiporda.
Inaasahang dadagsa ang mga mamahayag na minsan nang nagpakita ng kanilang saloobin nuong naganap ang Ampatuan Massacre.
Sinabi ni Antiporda na “Lalaban kami! Hanggang kasalukuyan ay naniniwala ang AFIMA na walang naging kasalanan ang mga media sa naganap na trahedya!.”
“Sila ang nagkamali, aminin nila at ayusin  ang problema, hindi yung maghahanap sila ng damay.” Dagdag pa ni Antiporda.
Nakatakda ring idemanda ng AFIMA ang mga may kagagawan sa naturang pagtuturo ng kasalanan sa mga mamamahayag.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply