Sandigan sa Marcoses: P10M NFA fund isauli

IPINABABALIK ng San-diganbayan kay dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ang tinatayang nasa $230,000 o P10 million na umano’y ninakaw ng pamilya nito mula sa pondo ng National Food Autho-rity noong taong 1983.

Sa desisyon ng anti-graft court kahapon, napatunayan na ipinag-utos noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa NFA na ilipat sa personal nitong bank account ang nasabing pera.

Nabatid na si Ginang Marcos ang tumatayo ngayon bilang legal representative sa naiwang kayamanan ng yumaong dating pangulo.

Sa panig ni Mrs. Marcos, sinabi ng abogado nito na si Atty. Robert Sison na balak nilang i-apela ang ruling ng naturang korte.

Ayon pa sa abogado, nasa labas ng bansa ang pamilyang Marcos ng ihain ang nasabing kaso kung kaya’t wala umano silang pagkakataon na makapaghain ng sapat na  pleadings.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply