Sanggol patay sa ligaw na bala

NAMATAY ang siyam na buwang sanggol na babae nang tamaan ng ligaw na bala habang natutulog sa loob ng silid ng kanilang bahay kamakalawa ng umaga sa Las Pinas City.

Isinugod pa ng kanyang mga magulang sa Perpetual Help Medical Center ang sanggol na si Xaviera Sanchez subalit hindi rin naisalba ng mga doctor ang kanyang buhay nito sanhii ng tinamong tama ng bala sa noo.

Batay sa naantalang ulat nina SPO1 Roland Abraham at PO3 Angelo Dimaapi ng  Investigation and Detective Management Section ng Las Pinas Police, isinama ng  maglive-in partner na Xavier Sanchez at Jennifer Paclibot, 25, ang kanilang anak sa pamamalengke kaya’t inantok ang bata pag-uwi sa kanilang bahay sa Saturn st., Mapayapa Village, Pulanglupa I.

Inihiga ni Jennifer ang anak sa kama na nasa loob ng kanilang silid at inasikaso muna ang pinamiling pagkain.

Nang pasukin ng ginang ang anak sa loob ng silid dakong alas-10:30 ng umaga, napansin niya na may dugong umaagos sa noo ng bata na una niyang inakala ay maliit na sugat lamang subalit nang hindi tumigil ang pagdurugo ay isinugod na nila ang sanggol sa pagamutan.

Dakong alas-12:45 ng hapon nang ideklarang  namatay ang sanggol sanhi ng tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Bigo naman ang pulisya na matukoy kung sino sa paligid ng nasabing lugar ang nagpaputok ng baril na posibleng ikinamatay ng sanggol nang tamaan ng bala. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply