Babaeng hinatulan ng kamatayan sasaluhin ng Santo Papa

TINAWAG ng Vatican na brutal ang naging hatol  ng korte sa isang Iranian na batuhin hanggang mamatay dahil sa kasong pakikiapid.

Sa kanyang unang public statement  kaugnay sa kasong adultery ni Sakineh Mohammadi Ashtiani, tinawag ng Vatican na brutal ang nasabing hatol.

Sinabi ni Vatican spokesman Rev. Federico Lombardi, mahigpit nilang tinututulan ang hatol laban sa babae na ngayon ay isa nang biyuda.

Dahil dito, nakahanda  ang Vatican na gamitin ang “behind-the-scenes” diplomacy upang maisalba ang buhay ni Ashtiani.

Taong  2006 nang ma-convict si Ashtiani.

Ayon sa anak ni Ashtiani, umaapela ang kaniyang ina kay Pope Benedict XVI at sa Italy na tulungan ito.

Ngunit inihayag ni Lombardi na walang formal appeal na nakaabot sa Vatican su- balit handa umano itong ma-magitan ngunit hindi isasapubliko kundi sa diplomatic channels.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply