Sapat na tubig tiniyak ng Angat Power Plant

Tiniyak ng Angat River Hydro Electric Power Plant  na may sapat na tubig para sa publiko sa dalawang araw na pagsasara ng planta.

Ayon kay ARHEPP General Manager Engr. Rodolfo German, isasara nila ngayon hanggang Miyerkules ang planta dahil may kukumpunihing balbula para maayos ang daloy ng tubig.

Posible aniyang may ilang lugar lang na humina ang pressure ng tubig sa ikalawang araw ng pagkukumpuni dahil maliit ang impounding capacity ng Ipo Dam kaya baka kapusin ang naipong tubig.

Taliwas naman ang pahayag na ito ni German sa inilabas na advisory ng Maynilad Water Services.

Sa naturang advisory, tatlo hanggang apat na araw na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa gagawing pagsasaayos ng naturang planta.

May nakahanda naman ang Maynilad na limang static water tank at 24 na water tanker para mag-ikot at mag-suplay ng tubig sa mga apektadong residente.

Sa panig naman ng Manila Water Company, tiniyak nitong hindi mawawalan ng suplay ng tubig ang mga lugar na kanilang sine-serbisyuhan sa kabila ng gagawing pagsasaayos planta.

Sinabi ni Manila Water Corporate Communications Manager Jeric Sevilla na pawang mga lugar na sakop ng Maynilad Water lang ang maapektuhan ng pansamantalang pagtigil ng operasyon ng planta. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply