Sarili hinostage saka nag-suicide

MISTULANG hinostage ng isang lalaki ang sarili sa loob ng kanilang carinderia nang magbanta itong itatarak sa sarili ang hawak na patalim sa oras na puwersahin siyang palaba-sin kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Walang nagawa ang mga kapatid ni Jayson Cabangla, 30 anyos nang simulan nitong pagbabasagin ang mga kasangkapan sa loob ng kani-lang carinderia sa no. 2262 Aurora Blvd., Tramo dakong alas-4:00 ng madaling araw kaya’t humingi na sila ng tu-long sa Police Community Precinct (PCP) 6 ng Pasay City police upang puwersa-hing palabasin ang lalaki.

Subalit bago mag-alas-5:00 ng madaling araw nang tumahimik sa loob ng carinde-ria ay nakiusap na ang mga kapatid ni Cabangla na sina Ernesto at Linda sa mga pulis na pasukin na at puwersa-hang ilabas ang nagwawala nilang kapatid.

Nang buksan ng mga pu-lis ang pintuan ng carindera, natagpuan nila ang duguang si Cabangla bunga ng patalim na itinarak sa tiyan at kali-wang hita nito. Kaagad na isinugod ng kanyang mga kapatid si Cabangla sa Pasay City General Hospital subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

Sinabi ng mga kapatid ni Cabangla na napansin nila ang pagiging balisa nito noong mga nakaraang araw. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply