Selina, kabado sa planong pagpapakasal sa kapwa babae

Nasa hot seat na rin ngayon ang hot momma na si Selina Sevilla dahil sa nalalapit nitong pagpapakasal kay Lalen Calayan na katulad niya babae rin.  Umaming medyo kabado siya sa plano nitong pagpapakasal dahil dito sa ating bansa ay hindi gan’un ka-open ang kanilang gagawing pag-iisang dibdib.

Ang sagot ni Selina sa nag-iisip na gimik lang ang kanilang ginagawa dahil mayroon itong gagawing concert, ang Hot Mama sa Metro Bar sa October 9, “Matanda na ako para magpaganyan-ganyan pa, di ba?  Baka bukas, mamatay ako, kailangan iparamdam ko na sa taong mahal ko na mahal na mahal ko siya.”

Gandang-ganda si Selina sa kanyang kasuotang gawa ni Dina Joson ng House of Magdalene.  Hapit sa kanyang magandang pangangatawan ang nasabing evening dress kaya lalo siya sumeksi nang aminin nitong mahal na mahal nito ang kanyang dyowa on national TV.

Inamin nitong wala siyang dapat ipaliwanag sa kanyang mga anak dahil sanay na ang mga bata na nakikita si Lalen dahil matagal silang magkakilala.  “Malalaki na rin ang aking mga anak at magkakabarkada ang kanilang turingan.”

Marian Rivera, nahaharap sa demanda

NAGING higante na ngayon ang dapat ay puwedeng daanin sa mabuting usapan pero, dahil sa hindi napigilang bugso ng damdamin mula kay Marian Rivera sa baguhang si Bela Padilla ay mukhang hahantong na ito sa pagdedemanda sa panig ng huli.

Sa Paparazzi noong Linggo, bilang manager ni Bela ay nagsalita si Claire dela Fuente.     Aniya, nagka-trauma na ang kanyang alaga sa tuwing nagre-report siya sa taping ng Endless Love dahil sa takot kay Marian.

Ang pinakamatinding nagawa ng aktres ay ang pagpapasok niya kay Bela sa comfort room at doon niya ito kinumpronta.  Pinagsalitaan ng aktres ang kanyang alaga ng masasamang salita habang dinuduro ito hanggang umabot sa punto na muntik-muntikang idikit ng aktres ang mukha nito kay Bela.  Kaya gustuhin man ni Bela ang umalis ay hindi ito nagawa dahil nakaharang mismo ang aktres sa pintuan.  Ang tanging nagawa ni Bea ay humingi ng tawad kung may nagawa siyang pagkakasala sabay ang pag-iyak.

“Alam mo ba na sa tuwing nakikita kita ay gusto kitang saktan,” pahayag ni Marian kay Bela ayon sa manager.  “Alam mo ba na pati ang mga kaibigan ko (kasama sa Endless Love) ay gusto ka rin saktan kaya lang pinipigilan ko sila. Kaya magpasalamat ka sa akin kasi hindi ka nila sinasaktan.”

Nilinaw ni Claire na hindi puwedeng magkaila si Marian dahil maraming nakakita at nasaksihan ang buong pangyayari lalo na doon sa pagbabawal ni Marian si Bela na ayaw na siyang makita sa set bago siya lumabas ng CR.

Aniya, there’s a certain amount of tolerance sa klase ng ginawa ni Marian kay Bela.  Hindi pupuwedeng lumagpas sa line ang tao, there are boundaries.”  Sa pangyayari, ayaw niya itong upuan at ipaglalaban niya ito hanggang korte ang kaapihan ng kanyang alaga. “Lumalaban na ako at kung ipagpapatuloy ko ito, depende. Kung sa pagsuko, I don’t think susuko ako.”

Sa panig naman ni Mommy Eva Carino, malayo ang mararating ng pagmamaldita ni Marian sa kanyang apo dahil hindi ganoon kadali na pahiyain ang kanyang apo sa harap ng maraming tao.   Dapat ay maging isang role model ang aktres lalo na sikat siya ngayon.  Ipakita nito na isa siyang magandang halimbawa dahil base sa nasabi sa kanya ni Bela, hindi bagay sa aktres ang magsalita ng gan’ung klaseng mga pananalita lalo ang pananakot ng tao.

Base sa pangyayari, ipaparating sa korte ang ginawang pang-aapi ni Marain sa kanyang apo.

Nananahimik ang GMA-7 sa nasabing isyu pero base sa text message ng manager ng aktres na si Popoy Carutativo, ayaw nilang magkomento at mas pipiliing manahimik para hindi lumaki ang isyu at ayaw nilang magamit sa isyu ang kanyang alaga.

Very alarming kay Marian ang nangyari sa kanila ngayon ni Bela, hindi kaya ito na ang tamang panahon para magsalita na siya? Sa pananahimik ngayon ng kampo ni Marian ay maaaring isiping mahirap pabulaanan ang pangyayari pero kung nasa kanila naman ang panig ng katotohanan, what’s keeping them, di ba? Ang publiko ay may karapatang malaman ang kanilang panig at dapat gawin ito sa madaling panahon dahil base sa pahayag ni Mommy Eva, kapag hindi nag-sorry ang aktres sa kanyang apo ay makakarating sila sa korte.  Opinyon lang po ito. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply