Selina Sevilla, pinalalayas sa tinitirhan

IDINAAN na lamang ni Selina Sevilla ang pagkagulat sa pamamagitan ng malalakas na mga halakhak ang balitang pinapalayas siya sa kanyang tinitirhang townhouse sa may New Manila.

Ang balita ay napagkasunduan umano ng homeowners na palayasin siya dahil sa plano nitong magpakasal sa kapwa-babae.  Naniniwala ang mga ito na hindi magdudulot ng maganda sa pamumuhay ang pahintulutan ang dalawang babaing ikinasal na titira sa nasabing townhouse.

“Pangga,” pambungad nitong lambing nang dalawin namin siya sa kanyang tirahan at napatunayang totoo ang tsismis na lilipat siya dahil sa karton-karton na gamit na ready for transfer sa ibang bahay.  “Mali ang balita pangga, how weird naman.  Wala kaming pakialaman dito basta, nagbabayad ka ng monthly obligation mo, hindi nakakadistorbo sa mga kapitbahay, walang dahilan para palayasin ako dito.

“Sus, ano ba naman ‘yun?” medyo irita ang beauty.  “Dahil ba magpapakasal ako sa kapwa ko babae ay magiging ground ‘yun para mapalayas ako dito?  Marami naman dyan, ang nagpakasal pero nabalita bang pinalayas sila sa kanilang tirahan?  Kilala lang ako kaya pinag-uusapan ako.”

Walang planong lumipat si Selina dahil very ideal ang kanyang tinitirhan ngayon, very accessable dahil nasa New Manila sila nakatira.  “Bumili kasi si Lalen ng bahay para sa amin sa may Marikina.  Ang plano namin ay December pa kami lilipat doon pagkatapos ng aming kasal pero hindi na siya makapaghintay.

“Sayang din naman Pangga ang renta ko na dalawang buwan na hindi ko magagamit.  Kaya lang makulit na ang aking love, gusto na nitong lumipat na kami.  Nakakahiya naman sa kanya eh, sa akin pa naman nakapangalan ang bahay pagkatapos mag-inarte pa ako, he he he …”

Mahal talaga si Selina ng kanyang mapapangasawa na pamangkin ni Dr, Manny Calayan dahil ang plano ay pakakasalan siya ng dalawang beses, isa sa America kung saan tanggap ang kasalang babae-sa babae at dito sa atin, sa isang yate.  “Siguro wala namang magagalit sa amin na mga moralista dahil hindi naman kami magpapakasal sa simbahan.  Ano naman ang magagawa ko, nagmamahalan kami.

“Pagdating naman kasi sa pag-ibig, walang lahi-lahi yan, walang relihiyon yan at walang pinipili, maging magkatulad kayong lalaki o babae, di ba?”

May punto si Selina pero matatanggap kaya ito ng Simbahang Katoliko o mga moralista at tatahimik na lang ba ang mga ito sa kasalang magaganap.  “Pangga, matagal na akong nagdasal sa Panginoon na bigyan ako ng partner in life, makakasama ko sa buhay sa hirap at ginhawa.  Si Lalen nga ang ibinigay sa akin, aayaw ba ako?

“Wala sa bokabularyo ko ang makipagrelasyon sa kapwa ko babae, para sa lalaki lamang ako.  Nirerespeto ko ang iba sa kanilang sex preference pero anong magagawa ko, siya ang naging sagot sa aking mga dasal at mahal ko siya.  Sa kanya ko nakita ang serious relationship na hindi ko natagpuan sa mga nakaraan kong karelasyon noon sa lalaki.”

Hindi ka kaya pumayag makipagrelasyon at magpapakasal sa isang Calayan ay dahil for security reason?

Medyo siya nag-isip at agad nagpaliwanag.  “Ang ipinagdadasal ko noon ay taong makakasama ko habang buhay, tapat at magsasama kami through thick and thin.  Hindi ko hiniling na kailangan magiging mayaman siya ito para buhayin kaming mag-ina.  \

“Kung hindi si Lalen yun at ibang lalaki ay wala naman diperensya ‘yun pero si Lalen nga ang ibinigay sa akin.  Matagal na kaming magkaibigan, barkada na siya ng mga anak at alam namin ang kanya-kanyang personal problem pero parang may magic, isang panahon bigla kaming na-inlove sa isat isa.  We didn’t ask for it, so sino akong umayaw at tumanggi, tama ba Pangga?

“Naku tumatanda na ako, kailangan pa bang mamili, kung sino ang dumating sa buhay mo eh, tanggapin.  Oo, malaking tulong sa Lalen sa akin pero ngayon lang naman kami nagkarelasyon at noon ko pa naman nabubuhay ang aking mga anak.  May sariling kita rin naman ako, Pangga.” STARBOOK/Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply