Senate inquiry isinandal sa IIRC report

INIHAYAG  ni Sen. Gregorio Honasan na hihingi muna ng kopya at pag-aaralan ng  Senado ang Incident Investigation and Review Committee (IIRC) report bago ipagpatuloy ang imbestigasyon sa hostage crisis.

Sinabi ni Honasan , chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs,  magpapadala sila ng komunikasyon kay Justice Sec. Leila De Lima upang makahingi ng opisyal na kopya ng IIRC report ang Mataas na Kapulungan.

“Pag-aaralan muna ng Senado ang report at dito malalaman kung kailangan pang ipagpatuloy ng komite ang karagdagang pagdinig o kaya ay pagbabatayan na lang ang report ng IIRC para sa lilikhaing batas.

Sinabi pa ni Honasan na bibigyan ng kanya-kanyang kopya ang apat na komite na nag-iimbestiga sa insidente upang pag-aralan angIIRC report saka magsagawa ng kaukulang manipestasyon na susunod na hakbang ng Senado.

“The only remaining task at hand is to wait for the report and maybe allow the committees involved to look into the record and the final investigation report. That, I think, would be more prudent and more cost-effective on our part without prejudice to the inquiry that will focus on media on Tuesday,” giit ni Honasan.

Nilinaw pa ni Honasan na nagsasagawa ng pagdinig ang Senado hindi para maghanap ng sisisihin, bagkus makalikha ng isang komprehensibong panukalang batas upang maiwasan ang naganap na kapalpakan sa hostage crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.

“Hindi ang pagdidiin o kaya pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga nagkamali sa naturang pangyayari,” ayon kay Honasan.

Isa sa nakatakdang isabatas ng Senado ang susundin na manual sa hostage crisis partikular ang magiging galaw  ng lahat ng sektor sa sitwasyon kabilang ang awtoridad at media. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply