Sexual act issue nina Lloydie and Shaina itinanggi

IPINAGTANGGOL ng magaling na TV host na si Boy Abunda si Shaina Magdayao hinggil sa malisyosong intriga ukol sa magandang young star. May kaugnayan ito sa balitang dinala umano si Shaina at ang kasintahang si John Lloyd Cruz sa hospital dahil na-stuck daw ang dalawa habang sila ay nasa intimate na kalagayan o sexual act.

Although hindi diniretso ni Kuya Boy ang sitwasyon, ang mga nasa showbiz ay alam ang takbo ng nakakalokong intrigang ito. Of course, mahirap talagang tumbukin ang kuwento, lalo’t kung sa TV mo ito sasabihin.

Anyway, ayon kay Kuya Boy sa Showbiz News Ngayon, ”Mga kaibigan, nais lamang po nating itama ang isang maling balita. Kasi po, may umiikot na malisyoso at bastos na balita na may kinalaman kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz. The first time I heard about this tsismis na ang involved na ospital po, mga kaibigan, ay isang ospital sa Quezon City hanggang ito ay nalipat sa isang ospital sa Makati. Ito ay may kinalaman sa umano’y pagdala kay Shaina Magdayao sa isang ospital.

”Ito po ay walang katotohanan. Ito po’y… this is unfair especially to a girl like Shaina. Hindi po ito totoo, ‘wag po kayong maniwala,” esplika ng batikang host.

Nilinaw pa ni Kuya Boy na imposible ang balitang ito dahil kapwa abala ang dalawang young stars. “As a matter of fact, si Shaina po ay busy sa kanyang taping para sa Precious Hearts Presents Alynna.

Samantala, si Lloydie naman po ay bising-bisi din naman po para kanyang trabgaho sa Imortal.

”So, itong bastos, this nasty talks about Shaina having been brought to the hospital… inuulit ko po kasi dumating na ito sa mga blogs, sa internet… hindi po ito totoo mga kaibigan. ‘Yun lang. Para lang ma-i set natin ang record nang straight.’

Well, nang una naming marinig ang balitang ito na actually ay isang blind item, pakiramdam namin ay talagang napaka-imposible. Unang-una, kung talagang na-stuck ang dalawang magsing-irog, kailangan pa ba silang dalhin sa Makati Medical Center? Sobrang kahiya-hiya naman niyon at kung sila pa mismo ang magpapadala sa kanilang mga sarili sa ospital, mahirap na talagang paniwalaan.

Sakaling totoo nga iyon, puwede namang magpatawag na lang sila ng doctor at sa pagkaka-alam namin, napakabihirang sitwasyon lang ito totoong nagaganap, kadalasan nga ay sa pelikula lang.

Sabi nga ng isang mahaderang bading na kapatid sa panulat, magbuhos lang sila ng malaming na tubig, tiyak na huhupa ang init ng pagkakahugpong, kung sino man ang mai-stuck sa ganyang sitwasyon. Reaksiyon pa ng kausap namin nang pumutok ang tsimis na ito, ganoon daw ba ka-daks si Lloydie para mangyari ang malisyosong tsismis na iyon?

*   *   *

Umaarangkada talaga nang husto ang career ni Charice Pempengco sa Amerika. Bukod sa nagsimula na siyang mag-taping para sa musical TV show na Glee, ang kanyang kantang Pyramid ay pasok sa Billboards Top 10 sa Amerika!

Big deal ang mga kaganapang ito sa humahataw na career ni Charice sa Tate, bukod sa matindi ang dating niya, talagang marami ang bumibilib kay Charice kahit na mga kasamahan niya  mismo sa Glee. Actually, pati kanta niyang Pyramid ay putok na putok sa Internet sa rami ng mga gumagaya at may kanya-kanyang version pa, worldwide.

Napansin lang namin, nang interview-hin siya recently sa isang show sa Tate, masyadong slang na kung mag-English si Charice ngayon. Although understandable naman ito dahil ganoon talagang magsalita ng English ang mga tao roon. Kaya lang, sana lang kahit may twang at iba na ang accent ni Charice, huwag magbago ang kababaang loob niya at huwag niyang makakalimutan ang kanyang pinanggalingan.  Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply