Sharon Cuneta sa programang pangmatataba

HINDI dapat malungkot ang fans ni Sharon Cuneta sa pagkawala ng “Sharon” show every Sunday dahil tatlo namang shows agad ang ibinigay ng ABS-CBN management  sa kanya bilang kapalit.

Magi-start  na sa October 10, 2010 (10-10-10) ang Star Power, a female singing search kung saan ay si Sharon ang magiging ultimate mentor with co-hosts Erik Santos and Christian Bautista.

Ang Sharon at Home naman na isang lifestyle show ay nagsimula nu’ng Sept. 18 at 6:30 p.m. na mapapanood naman sa Lifestyle Network.

The third show is The Biggest Loser Pinoy Edition, a franchise reality show about heavyweights at magsisimula naman sa first quarter ng 2011.

The Megastar feels so blessed na sa rami ng artistang walang projects o walang trabaho, siya naman ay tatlo-tatlo ang ibinigay sa kanya kaya parang wala na raw siya talagang mahihiling pa.

“Ang timing talaga ng Panginoon sa akin, laging sumu-swak. Ewan ko kung bakit laging napakabait sa akin ng Panginoon talaga. Sabi ko, in a time na may mga artista or performers na walang trabaho, bibigyan Niya ako ng tatlo.

“Pag ina-analyze ko, ‘yung tatlo, may saysay na hindi pang-sarili lahat. Parang this is really the time to give back. Tapos, habang nagbibigay ako, marami pa ring binibigay si Lord sa akin, tuwing gusto kong mag-retire, sangdamakmak ang dumarating sa akin.  Parang sign ‘yun na “huwag muna anak, marami pa tayong projects. Ako naman, masununurin naman akong anak,” natatawa niyang sabi.

Ang gusto raw niya sa tatlong shows ay ‘yung mabibigyan siya ng chance to touch people’s lives lalo na nga ang The Biggest Loser na aniya ay sobrang na-touch siya sa mga contestants dahil aniya ay naiintindihan daw niya ang pinagdadaanan ng mga ito bilang malulusog since alam naman natin na problema rin ni Mega ang kanyang weight.

`“Talaga namang dumating din ako sa ang taba ko, di ba? I think, naging confident din akong tanggapin (ang paghu-host ng The Biggest Loser) kasi I’ve lost 20 lbs na and I’m continuing coz I wanna tackle different roles again kasi nali-limit ako ng weight ko, eh.

“Masyado akong na-relax, kasi siguro, kontento na ako sa buhay pero now, it becomes a matter of wanting to be healthy also for your children. So, tinanggap ko ito na ang isip ko, ‘hindi, by the time na lumabas ‘to, nakaka-inspire na tayo ng tao’,” pahayag ni Mega.

Nang i-offer nga raw sa kanya ang The Biggest Loser ay parang nahihiya si Ms. Charo Santos na sabihin sa kanya.

“Sabi ko, ‘bakit ka nahihiya, tita? Naiilang ka, ba’t ka naiilang? Diyos ko, obvious ba na hindi ako balingkinitan at this point. You know, it’s no issue with me, alam mo, taba lang ‘yan, I think, mahirap man mag-lose ng weight, kung titingnan mo, it’s one of the easiest problems to solve.”

Natanong kay Sharon kung aware rin ba siya na may isang show din na magsisimula on 10-10-10 at anang Megastar, “Puwede mo sabihin sa akin (kung anong show). Alam ng Panginoon, hindi ko alam ‘yan. Baka hindi important to me.”

Nang sabihin sa kanyang show ni Willie Revillame ‘yun sa TV5, bulalas ni Mega, “Ay, talaga naman. Talagang hindi ko alam ‘yan.”

Tungkol sa posibleng pagtatapat nila ng show ni Willie, Sharon asked, “Gabi ba siya? Okay lang, eh wala, ako’y hamak na starlet lang,” natatawa niyang sabi.

“ Basta sa show ko, puro positive. Wholesome. Saka lahat kami du’n talagang mga performer kami. Alam namin ang itinuturo namin sa mga bata ‘Yun lang, pinagmalalaki po ng Star Power. Wala po akong pinatatamaaan, lilinawin ko lang. Kasi ako didiretsuhin ko ‘yan, hindi ako nagpapatama,” say niya sabay-tawa.

“Gusto ko lang ma-love ulit ang mga hindi ako na-love pansamantala kahit wala naman akong ginagawa.

“So, 10-10-10, gusto kong sabihing “good luck” pero usually ang sinasabi ko, God bless. Okay lang ‘yun. Ni-lift up ko na, ngayon lang.

“No, seriously, I’m sure, magkaiba naman (ang show nila ni Willie), so depende na lang sa audience ‘yun,” dagdag pa ni Mega.

********

Sa mga kontrobersya na sinusuong ng cast ng ‘Banana Split’ gaya nina Angelica Panganiban, Pokwang, RR Enriquez ay nagpalamig sila sa Baguio kasama rin ang ibang cast gaya nina Jayson Gainza, John Prats,Pooh atbp.

Sa Saturday (September 25) mapapanood ang episode ng ‘Banana Split’ sa Baguio. Ganoon din ang  Balitang Siksik Showbiz Edition. Of course, nandiyan din  ang pinaka-aabangan na blind items kung saan kahit mismong kasama nila sa cast ay nabibiktima ng pahulaan blues.

Anyway,  balik Banana Split si RR pagkatapos ng kanyang bakasyon. Natawa pa nga kami dahil bina-blind item pa siya ng mga kasamahan niya  sa naturang gag show  sa isang buwan niyang pagkawala.

Actually,nagmuni-muni si RR pagkatapos na mawala ang ‘Wowowee’. Hinanap nga siya ni Kris Aquino para sa ‘Pilipinas , Win na Win’ pero nakapagbakasyon na siya that time. Nagkaroon ng miscommunication.

Paano kung kunin siya ni Willie Revillame sa bago nitong show?

“Okey na ‘yung tatlong taon na nakatrabaho ko si Kuya. Nagpapasalamat ako sa break na ibinigay niya sa akin. Basta mananatili siyang Kuya sa puso ko,” deklara ni RR.

Basta ang klaro, kasama pa rin si RR sa ‘Banana Split’ na napapanood tuwing Sabado at umaga naman pag Lunes hanggang Biyernes.

-0o0-

May paki si Mommy Mayette Noroña Galang, ina ni Valerie Concepcion.  May reunion sa October 2 ang SPI Batch 76 sa Maricopa Restaurant.Puwede tumawag sa  09153188725. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply