Show ni Sharon Cuneta sisibakin na sa ere

MAGGU-GOODBYE na ang Sharon sa ere pero ang kapalit nito ay tatlong shows naman, ang Sharon At Home sa Lifestyle Network at ang Star Power (Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar) and The Biggest Loser Pinoy Edition sa Dos. Dahil dito lumalabas na si Sharon Cuneta na nga ang Reyna ng Kapamilya Network.

“Hindi ako nakikipag-kumpetisyon kahit kanino. Sa kanila na ang title na “reyna” basta ako kuntento na ako sa binigay sa akin na “mega.” Nagpapasalamat lang ako nang husto kay Lord at binigyan niya ako ng tatlong bagong show. Kuntento na ako na may trabaho pa rin ako,”pahayag ni Sharon.

Type ni Sharon ang concept ng Sharon At Home kasi ipapakita dito ang pagiging isang homemaker. Maise-share niya sa televiewers ang mga nalalaman niya pagdating sa pagluluto at pagpapaganda ng bahay. Magsisimula na ito sa Sept. 18 at 6:30 p.m. sa Lifestyle Network. At dahil cable channel ito, magkakaroon ng replays ang show sa iba’t ibang araw at iba’t ibang oras.

Magiging mentor naman si Sharon sa 12 na pinakamagaling na female singers sa Star Power. Nakapag-taping na sila ng ilang episodes at aminado siyang nahirapan siyang tumayong judge kasi halos lahat daw ay magagaling at sumasakit din ang loob niya kung may nae-eliminate every week. Magpi-premiere ang Star Power sa Oct. 10 na balitang kasabay ng pagbubukas rin ng bagong show ni Willie Revillame sa TV5.

“Ay wala akong alam tungkol diyan. Basta pagdating kay Willie, ayoko nang mag-comment. Isa lang naman akong ‘starlet’ bahala na ang mga tao kung sino ang gusto nilang panoorin,”malaman na sabi ng megastar.

Samantala sa 2011 na ipapalabas ang Biggest Loser Pinoy edition kasi kailangan munang tapusin ang Star Power. Hindi na-offend si Sharon nang alukin sa kanya ng ABS ang show kasi mataba naman daw siya talaga.

“Actually inspired pa nga akong mag-host ng show kasi I lost 20 lbs. now at magsisilbing maganda akong ehemplo sa mga contestants kasi I’m planning to lose another 30 lbs. I understand them very well. I know their feelings kung tinutukso silang mataba. And I think they will feel comfortable kung ako ang host kaysa sa isang payat na host na hindi naman nakaka-relate sa kanila,”pahayag ni Sharon. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply