Sibakan sa hostage-taking:PNoy walang sasantuhin

TINIYAK ng Malakanyang na walang sacred cow o pagtatakpan na opisyal ng pamahalaan na maaaring madiin sa hostage crisis noong Agosto 23.

Ayon kay  Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kikilalanin ng Pangulong Aquino ang resulta ng imbestigasyon at walang ia-arbor na sinumang opisyal.

“We will abide by the results and the recommendations of the IIRC,” ang paniniyak ni Usec. Valte.

Sa nasabing committee report, malalaman kung sino ang pumalpak at dapat panagutin sa nangyaring operasyon ng mga pulis at paghawak sa krisis.

Matatandaang  patapos na ang trabaho ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) at inaasahang isusumite ang report ngayong linggo.

Samantala, wala namang problema sa Palasyo kung imbes na ngayong araw ay naurong sa Biyernes ang pagsusumite ng nasabing findings kay Pangulong Aquino.

“Well, while we understand that they are under limited time, we also recognize that the IIRC has a lot of work to do and, again, we would not wish to sacrifice quality for speed.  Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply