Singil sa kuryente bumaba

Malaki ang ibinaba sa presyo ng kuryente ngayon buwan matapos ipahayag ng Manila Electric Company na bumaba ng 68.4 sentimos ang generation charge kung saan mula sa P6.0962 kada kilowatthour noong Agosto ay naging P5.4119 kada kWh ngayong buwan.

Nabatid na ang generation charge ang halaga ng kuryenteng ibinebenta ng power producers sa distribution utilities tulad ng Meralco at kumakatawan sa pinakamalaking bahagi ng electric bill o 60% ng average monthly bill.

Ito ay nangangahulugang ang mga customer na may konsumo na 101 kWh kada buwan ay may kaltas na P69.11 sa kanilang mga electricity bill habang ang mga gumagamit ng 200 kWh ay may P136.86 na bawas.

Ayon sa Meralco, na-offset ng pagbababang ito ang pinagsamang pagtaas sa singil sa kuryente noong mga nakaraang buwan, mula Hunyo hanggang Agosto na umabot sa 58.4 sentimos.

Matatandaan na may pagtaas na 8.4 sentimos noong Hunyo, 5.8 sentimos noong hulyo at 44.2 sentimos naman noong Agosto dahil sa matinding pagtaas sa presyo ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply