Singson, huwag husgahan at Hong Kong ‘di galit sa Pinas

HUMIHILING si Ilocos Sur Cong. Ronald Singson na huwag muna siyang husgahan sa nangyari sa Hong Kong.

Personal na nakapanayam ng ULTIMATUM sa Hong Kong si Cong. Singson na pansamantalang nakalalaya dahil sa piyansa sa kasong pagdadala ng droga.

Nakikiusap ito sa kanyang mga kababayan na bigyan siya ng pagkakataong makapagpaliwanag bago siya husgahan.

Sa kasalukuyan, sinasabi ng mambabatas sa ULTIMATUM na bagamat wala siya sa loob ng piitan ng HK, maituturing na ring kulungan ang kanyang kinalalagyan sa kasalukuyan dahil nag-iisa siya at malayo sa kanya ang kanyang mga mahal sa buhay na nandito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay pilit ginagawan ng paraan ng mambabatas na patunayan sa hudikatura ng HK na hindi siya isang drug addict.

Nagkataon lang na may problema ito kung kaya’t nakapagdala ito ng droga.

Ipinagdarasal ni Singson na maibaba ang sakdal sa kanya dahil hanggang kasalukuyan ay drug trafficking pa rin ang nakasampang kaso sa halip na possession lamang.

Sa Oktubre ay nakatakdang basahan ng sakdal si Singson kung saan mamimili ito kung guilty o not guilty ang kanyang magiging plea.

Sakaling bumaba ang kaso at magkaroon ng plea bargaining at maging mabait ang sitwasyon sa Kongresista maaaring abutin lamang ng 2 hanggang 5 taon ang sentensiya rito.

Na maaari pang mabawasan ng 1/3 ang sentensiya.

Yun nga lang ay kailangang umamin ito at mag- plead guilty.

Sakali namang lumaban ito sa kaso, nakatatakot naman na baka umabot pa ng mahigit 10 taon ang maging sentensiya kung mapatunayang nagkasala ito.

Grabe!

Napabilib tayo sa  pagiging lalakeng kausap nitong si Singson na ang kanyang ipinag-aalala ay ang kanyang mga kababayan pa rin sa Ilocos.

oOo

Hindi po totoong galit ang mga taga HK sa mga Pinoy.

Galit lang po sila sa mga pulis.

Ang tatanga!

Yan ang sambit ni Ofelis Cabulisan ng Cagayan Valley na 21 taon nang OFW sa HK.

Sa ating panayam sinabi nito na nauunawaan naman ng mga taga-HK ang naganap na trahedya.

Kung kaya’t hindi tayo dapat mangamba.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply