Sinong ‘di magagalit?

Naalala ko ang sariling kong karanasan sa bar examination may dalawampung taon na ang nakakaraan. Naalala ko bigla nang mangyari ang nakakahiyang insidente kung saan maraming nasaktan na mga bar examinees at law students nang pumutok ang karahasan sa huling araw ng bar exams nitong Linggo, ang pinakamasayang araw sana para sa mga nangangarap maging abogado.

Noong panahon namin masaya ang mood, festive at talagang para kaming nasa ulap lahat kahit exams pa lang yun lalo at last day na ng pagsusulit. Nasa huling parte pa lang kami ng bar, yung legal ethics na huling exam ay naririnig na namin ang ingay ng pagsasaya sa labas mula sa aming mga kaibigan, pamilya at mga sumusuporta.

Nung matapos ko ang exams ay pumunta ako sa tambayan ng sarili kong fraternity, ang LEX LEONUM, at doon ay sinalubong ako ng hiyawan, palakpakan, mga tunog ng tambol, at binuhusan pa ng beer kaming lahat na kumuha ng pagsusulit.

Napakagandang tradisyon ng pagsasaya at selebrasyon, dahil kahit hindi pa man kami ganap na abogado noong huling araw na iyun ng bar exams, naramdaman na namin ang kaginhawaan sa puso dahil tapos na ang 8 taon ng pagsusunog ng kilay mula kolehiyo hanggang sa law school.

Kailangan muna maranasan ng isang tao ang bar exams bago niya maintindihan ang pakiramdam ng ang sinasabi kong tradisyon ng selebrasyon ng suporta sa mga examinees.

At dahil sa nangyari noong Linggo, tuluyan na nga bang nasira ang tradisyong ito? Napakalaking krimen ang ginawa ng mga salarin. Binago nila ang buhay ng ilan sa mga examinees noong Linggo, lalo ang buhay ng biktimang si Raisa Laurel. Sinira nila ang isang mayamang tradisyon ng fraternities and brotherhood at dinungisan ang legal profession sa bansa.

Kailangan managot sila, maparusahan ng mabigat at, kung totoo man na ang mga may kasalanan ay mga fraternity members, matanggal sana sila sa good favors ng kanilang mga ka-brods.  Sinira din ng mga kriminal ang reputasyon at magandang mga intensyon ng mga ligal at duly accredited ng mga schools na mga fraternities na hindi mga war freak at may mga responsableng mga myembro.

Ako, bilang abogado at frat member, galit at panghihinayang ang aking nararamdaman. Gaano katagal na naman ang imbestigasyon tungkol dito at sa loob ng mga panahong ito, ano ang gagawin ng lahat ng mga apektado, lalo ang mga biktima, para makatayong muli, makapagumpisa ng bagong buhay at, sana ay malinis ang mga nasirang reputasyon at nasayang na magandang tradisyon.

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply