Sisikat pa si Sicat

SA ating pagbalik sa lupang kinalakhan ay doon natin nakita ang malaking pagbabago sa buong kapaligiran. Ang ating tinutukoy, walang iba kundi ang bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal.

Dito po tayo lumaki at natuto nang kung ano-ano sa buhay. Ang mga dati nating kababata ay pawang may mga kanya-kanya ng mundo. Ang iba, mga pulis na at ang ilan ay pinasok ang larangan ng politika.

Isa na rito ang ka-bro, kababata at kaibigan nating si Atoy Sicat. Sino ba naman ang makapaniniwala na ang dati nating kalaban sa frat ay siya na mismong bise alkalde sa aming bayan.

Nakita nga natin ang mga akomplisimyento na kanyang ginawa at ilang proyekto na patuloy na kanilang tinatapos.

Sa tingin natin, hindi malayo (na kung nanaisin niya) na maluklok bilang ama sa aming bayan. Na mapuwesto siya bilang alkalde ng Cainta!

Kilala natin ang mama at alam na natin noon pa ang kanyang mga prinsipyo, lalo pa nga ngayon, hindi na kami mga bata pa para pairalin ang mga desisyon na basta-basta na lamang!

Keep up the goodwork, bro!

Binabati nga rin pala natin si Pareng Ome!

CAREER ORIENTATION SEMINAR

Nagsasagawa ng career orientation seminar ang Caloocan City para sa mga magsisipagtapos sa sekondarya upang matulungan ang mga estudyante na pumili ng kukuning kurso pagtungtong sa kolehiyo.

Nagsimula ang ginaganap na career orientation seminar noong September 14 at magtatapos sa October 6, 2010 sa iba’t ibang paaralan sa buong lungsod.

Sa pamamagitan nang pagbibigay ng ganitong  seminar sa mga magsisipagtapos sa sekondarya, madaling makapamimili ang mga graduating students  ng kursong kukunin sa kolehiyo.

Pinapangasiwaan ng Labor Industrial Relation Office- Public Employment Service Office, Division of City Schools ng Caloocan City at  Technical Education and Skills Development Authority  ang ginaganap na seminar.

Narito ang mga schedule na ibinigay sa bawat paaralan sa ginaganap na career orientation seminar: Caloocan High School – September 14; Caloocan Science High School – September 14; Maria Clara High School – September 15; Tandang Sora Integrated High School – September 16; MB Asistio Main – September 17; MB Asistio Annex – September 20; Maypajo High School – September 20; Kasarinlan High School – September 20; Bagong Barrio National High School – September 22.

Baesa High School – September 22; Talipapa High School – September 23; Llano High School – September 23; Caybiga High School – September 24; Deparo High School – September 24; Bagumbong High School – September 27; Sampaguita High School – September 27; Camarin High School – September 28.

CHS-C Zamora Annex 1 – September 29; CHS-C Zamora Annex 2 – September 29; Amparo High School – September 30; Pangarap High School – October 1; Mountain Heights High School – October 1; Manuel L. Quezon High School – October 1; Tala High School – October 4; Bagong Silang High School – October 5; Benigno Aquino, Sr. High School – October 5 at Kalayaan High School – October 6.

Hindi na magpapalipat-lipat ng kurso sa kolehiyo  dahil tiyak na ang kanilang tatahaking propesyon.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid, maaari kayong magtext sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Silip Pansin/Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply