Smart Gilas mangangamote sa ASIAD

Sinabi ng mga kritiko na itigil na ng Pilipinas ang kanilang paghahangad na makakuha ng kampeonato sa larangan ng basketball at hayaan na lang mag-concentrate ang bansa sa larangan ng palaro kung saan pwede tayong makipagsabayan sa mga kalabang manlalaro ng ibang bansa.

Ito’y matapos ilabas ng  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Philippine Olympic Committee (POC) ang kanilang line-up para sa Smart-Gilas Pilipinas na siyang sasabak sa 16th Asian Games na gaganapin sa Guangzhou, China.

Ang players ay sina Chris Tiu, Mark Barroca, Mac Baracael, JV Casio, Dylan Ababou, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Jason Ballesteros, Marcio Lassiter, Aldrech Ramos at  dalawang PBA-player na sina Asi Taulava at Kelly Williams.

Ayon sa mga kritiko, malabong manalo ang Smart Gilas kontra sa mga team na binubuo ng mga higante at mahuhusay na manlalaro.

“Nagsasayang lang ng pera ang bansa sa pagpopondo sa laban ng RP Team sa ibang bansa dahil sa totoo lang maliliit lang ang mga manlalaro ng bansa sa basketball kumpara sa mga kalaban sa Asian Games,” dagdag ng kritiko.

Iminungkahi ng kritiko na mabuti pa ay pagtuunan na lang ng pansin ang mga sports na hindi na nangangailangan ng height gaya ng boksing, judo, track and field, etc at iwaksi  na natin ang
“Impossible Dream” na magkakampeon tayo sa larangan ng basketball sa Asian Games o sa Olympics.

Nakatakdang maganap ang Asian Games mula Nobyembre 12-27.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply