Solusyon ng gobyerno sa dengue dispalinghado

INALMAHAN kahapon ang mga Health groups ang kawalan ng konkretong solusyon ng gobyerno sa lumalalang kaso ng dengue sa bansa.

Anila, sa halip dagdagan ay binawasan pa ng gobyerno ang 2011 budget na nakalaan sa mga nakakahawang sakit gaya ng dengue.

Ayon sa Kilos Bayan para sa Kalusugan (KBK) at Council for Health and Development (CHD), kapos na kapos na ang kasalukuyang health budget na P33.678 billion o .66 sentimos bawat Filipino bawat araw base sa kasalukuyang populasyong 98 million.

Ayon kay CHD Executive Director, Dr. Eleanor Jara, ni hindi ito sapat para bumili ng Paracetamol.

Kahit umano ang “Dengue Express Lanes” sa mga ospital ay hindi garantiyang maseserbisyuhan ang mga pasyente ng mabilis.

Sa San Lazaro Hospital umano, sentro ng disease prevention and control, bumaba ang budget mula P343 million noong 2009 sa P313 million ngayong 2010.

Muli pa umano itong tinapyas sa P307 million para sa 2011.

Sinabi ni Jara na  palpak na palpak ang public health care system at nakakatakot ang posibleng maging bunga nito. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply