Sonshine BikeFest sa Sabado

LALARGA na ang dalawang araw na  padyakan na tinawag na 1st Sonshine Bike Festival sa Sabado sa Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City.

Pakakawalan  ni  Integrated Cycling Federation of the Philippines

(PhilCycling) president   Dr. Philip Ella  Juico ang mga kalahok na binubuo ng   15 koponang  maghahagaran papuntang Tagaytay City  at pabalik.

May halagang P100,000 premyo para sa mananalong koponan   sa 220-kilometrong padyakan na kinabibilangan ng Cavite,  Nueva Ecija , Batasan SMR team, Businessworld team, Nuevo Milenio team, Mileage Gas Station team, Oakley-Philippine Army team, Zest Air–Phil. Army team, Philippine Charity Sweepstakes Office-Roosevelt team, Cleramen-Holy Cross team, Fissan –United Cyclists Association of the Philippines team , Phil. Navy team at Pangasinan.

Pakakawalan naman  ang Criterium race kinabukasan na kung saan may naghihintay na P30,000 gantimpala para sa mananalo sa iba’t-ibang kategorya.

Tatayong event organizer si Paolo Calzo at race director si Ricky Cruz

sa karerahang may temang “Race Against  Climate Change”, habang ang race marshal ay ang UCAP Motorcade Group.

Susunod sa okasyong ito ang Unity Ride sa Oktubre 24 sa Metro Manila

na naglalayong makaimpok ng pondo para sa mga siklistang kakasa sa 16th

Asian Games sa Guangzhou, China sa darating na Nobyembre 12-27.  Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply