Sori ng US sa baligtad na RP flag ‘di kailangan

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-sorry ang Estados Unidos sa Pilipinas sa baligtad na pagkakalagay ng watawat ng Philippine flag sa ASEAN-US meeting.

Ang katuwiran ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda ay sapat na ang pag-amin ni U.S. Embassy spokeswoman Rebecca Thompson na isang “honest mistake” ang nangyari at pinahahalagahan nito ang magandang samahan ng Amerika at Pilipinas.

Sinusugan naman ito ni Lacierda nang sabihin nitong ang dapat bigyang-pansin ay ang i-uuwing achievements ni Pangulong Aquino at hindi ang usapin ng baligtad na pagkakalagay ng watawat ng Pilipinas.

Samantala, sinabi ni Lacierda na napansin ng kanilang protocol officer ang maling posisyon ng watawat at agad inabisuhan ang US State Department.

Pero dahil umano sa mahigpit na seguridad, hindi na nagawang maayos ang watawat ng Pilipinas.

Pinanghawakan naman ng Malakanyang ang inihayag ng American embassy na agad nilang aalamin kung bakit nangyari ang ganitong insidente.

Sa nasabing summit, tinalakay ni US President Barack Obama ang paraan kung paano palalakasin ang economic ties sa pagitan ng U.S. at Southeast Asia at maging ang Asian regional concerns gaya ng territorial disputes sa South China Sea at Nov. 7 elections sa military-ruled Myanmar.

Samantala, posibleng epekto ng pagtitipid ni Pangulong Benigno Noynoy  Aquino III sa budget para sa kanyang official visit sa Estados Unidos at pagdalo sa United Nations General Assembly kaya nangyari ang maituturing na pambabastos sa Bandila ng Pilipinas nang ilagay nang pabaligtad ang  bandera na nagsilbing background ng pangulo ng bansa.

Ito ang naging pahayag ng isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippine na tumangging pangalan dahil humingi na umano ng tawad ang United States government sa nangyaring pagkakamali bilang host country at organizer ng ASEAN-US meet.

Ayon sa opisyal maliwanag na breach of protocol ito at maari rin sanang maiwasan kung may mga taong ipinadala roon bilang advance party na siyang mangangasiwa sa  pagbusisi sa mga isyu hinggil sa arrangement or protocol.

Sinabi naman ni AFP Spokesman B/Gen. Mabanta na posibleng nagkaroon ng pagkakamali dahil ang Pilipinas lang  ang may bandera na hindi pwedeng baligtarin ang pagdi-display dahil may kahulugan ito. Kris Jose/Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply