Source code na ginamit sa May 2010 polls ilalabas na ng Comelec

NANGAKO ang Commission on Elections na susunod sila sa kautusan ng Korte Suprema na ilabas ang source code na ginamit sa automated electiosn noong Mayo 10.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, wala naman silang nakikitang problema sakaling busisiin ng mga political party ang source code na ginamit sa mga pcos machine.

Bilang katunayan, aniya, noon pa naman nila sinabi na maaaring isailalim sa pagsusuri ng mga political party ang nasabing source code subalit wala namang lumalapit sa kanila.

Una nang sinabi ng SC na mahalagang masuri ang mga source code na ginamit sa katatapos na halalan dahil ito ang inilalagay na instruction sa mga pcos machine na ginamit sa halalan.

Ang pcos machine ang makina na ginamit sa pagbasa ng mga boto noong May 10 automated election.

“The Supreme Court agreed with the argument of CENPEG (Center for People Empowerment in Governance) that the source code should be disclosed not only for compliance with the law, and the purpose thereof, but especially in the backdrop of numerous admissions of errors and claims of fraud,” bagahi ng ruling ng Korte Suprema.

Layon umano nito na matuldukan na ang mga isyu ng dayaan sa katatapos na presidential election. Ann Pimentel

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply