Spain talsik sa FIBA

MISTULANG pinahiya ng Serbia ang defending champ Spain matapos itong patalsikin sa world championship nang si Milos Teodosic ay dumale ng malayong 3-pointer may 3.1 seconds ang nalalabi sa 92-89 quarterfinal.

Nabura sana ng Spain ang eight-point deficit sa final 4 minutes para mapantayan ang naibuslo ni Marc Gasol may 25 seconds ang nalalabi.

Matapos ang timeout, naghintay ng pagkakataon ang Serbia hanggang sa nakatira na si Teodosic ng tres na sobrang layo.

Maging si Spain coach Sergio Scariolo ay nagulat sa nagawa ng kanilang kalaban.

Sina Marko Keselj at Novica Velickovic ay kapwa nakadale ng 17 points para sa Serbia habang si Dusko Savanovic ay nagdagdag ng 15.

Ang Serbians ay naipasok ang 15 sa 30 mula sa 3-point range na nagpayuko sa mga Espanyol.

Samantala, sa iba pang laro ay dinurog ng Turkey ang Slovenia, 95-68.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply