SPD Director kinondena ng mamamahayag sa Southern Metro

KINONDENA ng mamamahayag sa Southern part ng Metro Manila ang panuntunang ipinaiiral ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Arne Delos Santos kaugnay sa pagbabawal ng magbigay ng kaukulang impormasyon sa nangyayaring krimen sa nasasakupan nitong lugar.

Mula nang umupo sa puwesto si delos Santos, paralisado na ang operasyon ng tactical operations center ng SPD at hindi rin pinahihintulutan ang mga kapulisan sa anim na lungsod at isang munisipalidad na magbigay ng mga spot report ng pulisya sa mga nangyayaring krimen sa mga reporter.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni delos Santos na gagawa na lang sila ng mga press releases na ipamamahagi o ipa-fax sa mga mamamahayag upang maging batayan ng kanilang isusumiteng balita sa pahayagan.

Gayunman, isa man sa sinasabing press releases ni delos Santos ay wala silang naipapamahagi sa kabila ng araw-araw na nagaganap na kriminalidad sa nasasakupan nitong mga lungsod.

Ayon sa pamunuan ng Progressive Tri-Media of Southern Metro, isang uri ng paninikil sa kalayaan sa pamamahayag ang ipinaiiral ni delos Santos na dapat kondenahin, hindi lamang ng kanilang grupo kundi maging ng National Press Club (NPC). Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply