Special elections sa Lanao, Basilan at Bulacan iniliban

MULI na namang  ipinagpaliban  ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng special elections para sa mga lugar na idineklara ang failure of election noong May 10 automated polls.

Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, ang bagong petsa para sa Special Elections ay sa ika-13 ng Nobyembre.

Ilang lugar sa Lanao del Sur at Basilan kasama na rin ang 1st district ng BUlacan ang kabilang sa mga lugar kung saan isasagawa ang special elections.

Idineklra ang failure of elections sa ilang lugar sa Lanao del Sur at Basilan dahil na rin sa mga nagyaring kaguluhan sa lugar at ito na rin ang ikalimang pagkakataong ipinagpaliban ang special elections .

Hindi naman natuloy ang botohan para sa congressional position sa unang distrito ng Bulacan matapos na ipawalang bisa ng Korte Suprema ang pagkakadeklara sa Malolos bilang isang hiwalay na distrito at muli itong ibalik sa unang distrito ng lalawigan.

Kasama sa mga lugar na magsasagawa ng special election ay ang Malolos, Calumpit, Hagonoy, Paombong at Pulilan.

Unang itinakdang muli ng Comelec sa Nobyembre 6 ang special election bago ito ginawang Nobyembre 13.

Ipinaliwanag naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ito ay matapos na matagalan ang pagka-apruba sa poll automation contract sa Smartmatic para sa mga gagamiting makina.

Tulad ng May 10 election ay magiging automated din aniya ang special election. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply