SRP ng asukal, itinakda sa P52/kilo

Itinakda na ng National Price Coordinating Council sa P52 ang presyo kada kilo ng asukal sa bansa.

Maalala na unang itinakda ng Sugar Regulatory Administration sa P56 ang suggested price ng produkto alinsunod na rin sa kahilingan ng mga sugar retailers.

Pero kasunod ng isinagawang konsultasyon kahapon, lumabas na kikita pa rin ng rasonableng P2 per kilo ang mga negosyante sa bagong SRP.

Kasabay nito, nagbanta naman ang Department of Agriculture at ang Department of Trade and Industry na kanilang pagpapaliwanagin ang sinomang negosyante na magbebenta ng mahigit sa itinakdang presyo nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply