Stags, Falcons sa winner-take-all game 3

NAKAPUWERSA ang San Sebastian-Excelroof Lady Stags ng isang winner-take-all game 3 nang isadlak ang Adamson Lady Falcons sa loob ng 4 sets sa Flying V Areana, San Juan City.

Bumanat si Jeng Bualee ng 27 puntos samantalang sina Joy Benites ay nagdagdag ng 19 habang sina Suzanne Roces at Elaine Cruz ay nagtumpok ng 13 at 11, ayon sa pagkakasunod.

Itinala ng Lady Stags ang 24-26, 25-23, 25-22, 25-20 panalo.

Sina Nene Bautista at Pau Soriano ay magkatuwang na nag-ambag ng 36 hits sa panig ng Lady Falcons na dinagdagan ni Michelle Laborte ng 13 puntos.

Tinanghal na best scorer si Bualee samantalang ang most valuable player award ay nasungkit ni Suzanne Roces.

Si Angela Benting ang best receiver, Pau Soriano ang best blocker at si Angela Vasquez ang best digger.

Sa panig ng Lyceum nasungkit ni Nikki Tabapunda ang best setter samantalang ang best server ay napunta kay guest player Rachel Ann Daquis na naglaro sa Lady Tamaraws. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply