Sugal sa Metro kokopohin ni Atong Ang

PATULOY na umiikot ang bigtime na gambling lord na si Charlie “Atong” Ang saka pinapasyalan ang lahat ng alkalde upang solohin ang iba’t ibang pasugalan sa Maynila, lalo na ang umano’y iligal na Small Town Lottery nito na mas kilala sa tawag na STL.

Ito ay sa impormasyon mula sa isang hindi nagpakilalang source ng  National Bureau of Investigation, kung saan ginagamit ni Ang ang ilang mga opisyal ng NBI upang makipag-ugnayan sa lahat ng mayor sa Metro Manila.

Nabatid pa na mismong si Ang ang nakikisuyo sa ilang mga opisyal ng NBI para buwagin ang operasyon ng loteng, sakla, video karera, fruit game, peryahan na pula at puti, saklaan saka jueteng.

Napag-alaman din na nakipagpulong ang si Ang sa limang alkalde ng Metro Manila sa Green Hills Shopping Mall sa San Juan City, kung saan pagkatapos ng pulong ay may mga dala ng paper bag ang mga alkalde  na pinaghihinalaang malaking halagang pera kapatit nang pagpayag nila sa naturang balakin nito.

Ayon pa sa source, mula Region 1 hanggang Region 5 ay may prankisa ng STL si Ang subalit ang karamihan dito ay illigal at hindi nakarehestro sa PCSO.

Samantala mananawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa gobyerno ni Pangulong Benigno Aquino III at kay DOJ Secretary Laila de Lima upang paimbestigahan ang pasugalan ni Ang kung ito ay legal na patuloy sa operasyon. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply