Sumbong ng FASAP sa CHR pinalagan

BINATIKOS ng pamunuan ng Philippine Airlines ang pagdulog ng mga miyembro ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) sa Commission on Human Rights (CHR) para isumbong ang sinasabing  “discriminatory policy” ng kompaniya.

Sa isang kalatas, sinabi ng PAL na kawalan ng respeto at tiwala sa ginagawa ngayong mediation effort ng Department of Labor and Employment ang naturang hakbang ng FASAP.

Giit ng kompanya, ang labor department ang siyang may primary jurisdiction na mamagitan sa nasabing labor issues at dapat ipaubaya ito sa nasabing ahensiya.

Kasabay nito, umapela ang PAL sa CHR na hayaan muna nitong gawin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang trabaho nito para maresolba ang problema bago makisawsaw sa issue.

Nabatid na hayagang binatikos ni CHR chairperson Etta Rosales ang PAL matapos magsumbong ang FASAP hinggil sa hindi makatarungan na pagtrato sa kanila ng kanilang kompaniya.

Samanatala bukod sa pagdulog sa CHR, dudulog din ang mga opisyal at miyembro ng FASAP  sa International Labor Organization (ILO) kaugnay ng umano’y panggigipit sa kanila ng pamunuan ng PAL.

Sinabi ni FASAP President Bobby Anduiza na ito ang kanilang sagot sa PAL management matapos silang akusahan ng forum shopping dahil sa pagtungo nila sa Commission on Human Rights (CHR).

Iginiit ni Anduiza na hindi naman korte ang CHR dahil recommendatory lamang ang magagawa nito.

Umaasa si Anduiza na sa pagsusumbong nila sa ILO ay mapipilitang umakto na ang pamahalaan sa kanilang problema. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply