Taal nag-alburuto uli

NAG-ALBURUTO muli ang bulkang Taal matapos makapagtala ng 14 na volcanic earthquake sa paligid nito sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs),  patuloy na nakataas ang alert level 1 sa paligid ng bulkang Taal at mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit malapit sa bunganga ng bulkang dahil sa mga steam explosion at mataas na konsentrasyon ng toxic gases ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na ang bulkang Taal ay Permanent Danger zone  (PDZ) at ipinagbabawal ang paglapit sa bulkan.

Nauna rito magugunitang nitong nakalipas na linggo nakapagtala ng 84 volcanic eathquake sa paligid ng bulkan Taal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply