Taas-singil sa MRT kinondena

MARIING kinondena ng grupong Samahan ng Riles Laan sa Sambayanan Network (RLSN) ang planong pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay Sammy Malunes, tagapagsalita ng grupo, hindi napapanahon at hindi makatarungan na itaas mula sa P15 sa P44 ang pasahe sa MRT lalo pa’t itinuturing itong mass transportation.

Giit pa ni Malunes na dapat repasuhin ng pamahalaan ang umano’y pagkalugi ng MRT gayong hindi lamang ang pasahe ang revenue nila rito sapagkat samu’t saring mga stalls at adverstisement ang namumutiktik sa MRT stations at maging sa loob ng mga tren.

Sinabi pa ni Malunes, walang preno ang gobyernong Aquino sa naisipan nitong pagtataas ng pasahe sa tren at planong pagsasapribado rito.

Kung itutuloy umano ng pamahalaan ang pagsasapribado sa MRT, pagmumulan lamang ito ng kurapsiyon at lalong malalayo sa primary goal nito bilang serbisyong publiko.

Sinabi naman ni Davao City Congressman Karlo Nograles (1st District) na ang planong pagtataas ng pasahe sa Metro at Light Railway Transit systems ay counter-productive at masama sa ekonomiya ng bansa.

Nanawagan si Nograles  kay Pangulong Noynoy Aquino na huwag munang payagan ang nasabing pagtaas hanggang hindi pa naayos ang traffic congestion sa buong kamaynilaan at major thoroughfares.

Sabi ni Nograles, ang pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT ay makaaapekto hindi lamang sa mga mahihirap na mamamayan kundi maging sa mga middle class citizen. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply