Taktika pinababago ni PNoy sa bagong PNP chief

HINAMON  ni Pangulong Benigno Aquino III  ang bagong talagang PNP Chief na si Deputy Director General Raul Bacalzo na gumawa ng kakaibang estratehiya na gagamitin sa isang hostage crisis na katulad ng nangyaring hostage taking incident sa Quirino Grandstand, Maynila noong Agosto 23, 2010.

Kumbinsido ang Punong Ehekutibo na sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pulisya  ay  mabubura ang mga tiwali sa PNP at maalis na ang takot at pagdududa ng taumbayan sa mga pulis.

Sa kabilang dako, nangako naman ang Chief Executive  ng buong suporta sa PNP upang magampanan ng bawat pulis ang kanilang katungkulan.

Kabilang sa tutugunan ng kanyang administrasyon ang pabahay, disenteng sahod at benepisyo ng mga pulis.

Samantala, inamin naman ng bagong Philippine National Police (PNP) chief na si Dir. Gen. Raul Bacalzo na kailangan niyang mag-double time sa pagtatrabaho ngayong nahaharap ang pambansang pulisya sa kabi-kabilang batikos.

Matatandaang  ang PNP ay nalagay sa “hot water” makaraang pumalpak ang ilang hakbang ng pulisya sa kasagsagan ng Manila hostage incident.

Si Bacalzo ay dalawang ulit na naging special prosecutor ng Department of Justice (DoJ) kaya tiwala itong matututukan niya ang mga usaping may kinalaman sa police-legal matters.

Sa panunumpa nito bilang bagong PNP chief, namataan sa okasyon ang ilang personalidad tulad nina MPD head C/Supt. Roberto Rongavilla, Coast Guard Commandant Wilfredo Tamayo at  Ret. PNP chief Edgar Aglipay. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply