Tams vs Archers sa UAAP semis

ANG Far Eastern University Tamaraws ang makababangga ng 4th placer na La Salle Green Archers habang magtutuos ang Ateneo Blue Eagles at Adamson Falcons sa Huwebes sa Final 4 ng UAAP season 73 seniors basketball tournament kasunod ng kapanapanabik na panalo ng Tamaraws sa Blue Eagles, 74-72 sa Big Dome.

Ang twice-to-beat varsity team ni coach Glenn Capacio ay umahon sa 6 points na abante ng Norman Black coached Katipunan cager sa iskor na 66-72 sa final 4 minuto.

Ang nangungunang kandidato sa MVP award na si RR Garcia ang nanguna sa pagbabalik ng Tamaraws sa abante pero sina Aldrech Ramos na kumana ng 15 at ang rookie top candidate na si Terrence Romeo na bumuslo ng katulad na puntos ang nagtumpok ng panalo sa Morayta cagers.

Sa kanyang pinakamababang 8 points ay nakabawi ang premyadong guard na si RR sa 4 na assists at 2 steals sa kabila ng pagkakabangko dahil sa foul trouble. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply