Tams vs Eagles sa UAAP finals

MAGSASAGUPA sa best-of-three finals ang top seeds na Far Eastern University at ang defending champion na Ateneo de Manila sa unang game sa Araneta Coliseum sa Sabado para sa korona ng UAAP season 73 senior’s basketball tournament.

Nabuo ang sagupaan ng dalawang koponan kasunod ng pagpapabagsak ng Loyola-based quintet ni coach Norman Black laban sa tropa ni coach Leo Austria sa iskor na 68-55.

Bumanat si Eman Monfort ng 22 puntos, 3 sa three point area na dinagdagan ni Kirk Long ng 13.
Maagang lumayo ang Blue Eagles at nakapagtala pa ng malaking 60-39 sa 3rd quarter sa ipinakitang katatagan ni Monfort na kumalawit ng 7 boards, 3 assists at 3 blocks ay napunan niya ang kakulangan sa opensa sa hindi paglalaro ni Erik Salamat tulad ng inaasahan dahil kagagaling lang niya sa sakit.

Sumaludo si Austria sa mahusay na laro ng Eagles na resulta ng kanilang malawak na karanasan bukod pa sa mahigpit na paghahanda.

Tanging si Lester Alvarez ng Falcons ang kinakitaan ng magandang laban sa pagtatala niya ng 11 puntos. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply