Taxi driver binurdahan ng 20 saksak sa katawan

BINURDAHAN ng dalawampung saksak ng mga hinihinalang adik na pasahero ang isang taxi driver sa Quezon City  kahapon ng madaling araw.

Ang nakalugmok na bangkay ng biktimang si Medel Apacible, residente ng 1565 B. Fabie Subd., Paco,  Manila ay natuklasan ng isa ring tsuper na nag-usisa at sumilip sa minamanehong taxi ng una.

Sa ulat  ni SP01 Florencio Abad ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nadiskubre ang bangkay ng biktima alas 5:30 ng madaling araw sa St. Lucia St., Quirino Hi-Way Brgy. Gulod, Novaliches.

“Nasa dalawampung saksak sa likod ang inabot ng biktima kaya posibleng adik ang gumawa dahil hindi estilo ng mga batikang holdaper ang ganun,” ayon kay SP01 Escobido. Alex Ching

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply