Taxi driver todas sa totoy na holdaper

PATAY ang isang taxi driver matapos saksakin ng isa sa dalawa niyang pasahero sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center (TMC) dahil sa tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Cesar Diverson, residente ng # 1203 Soriano St., Tondo, Manila.

Arestado naman at nakapiit na sa detention cell ng Navotas City police ang suspek na si John, 17, ng #37 Gagalangin, Tondo, Manila habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na si Raymond Arcilla.

Ayon sa ulat ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas City police, hinoldap ng mga suspek ang biktima dakong ala-1:35 ng madaling araw sa F. Pascual St., Brgy. San Jose.   R A MARQUEZ at BOY SAN BUENAVENTURA

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply