Team Boksing Pilipinas, wagi sa apat na division titles sa L.A.

Wagi ang Team Boksing Pilipinas ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa apat na weight division titles sa ginanap na Maywood Boxing Tournament sa Los Angeles, California nitong nakaraang linggo.

Anim sa 11 miyembro ng koponan ang sumabak sa kani-kanilang weight class kung saan nakuha ang apat na kampeonato sa sagupaang ito.

Pinataob ni Josie Gabuco ng RP team ang kanyang katunggaling si Paula Arana (Duarte, CA) sa Women’s 106 lbs. Division.

Habang pinigil naman ni Charley Suarez (Philippines) si Christian Leon (Los Angeles) para angkinin ang 132 lbs. Division kung saan pinatigil ng ringside doctor ang sagupaan matapos masaktan si Leon ng mga kumbinasyong pinamalas ni Suarez.

Samantalang, matinding sagupaan naman ang ipinakita ni Delfin Boholst ng RP team at kalaban nitong si Jaime Ocegueda (Commerce, CA) upang kuhain ang panalo sa 141 lbs. Division. Gitgitan ang bakbakan sa pagitan ng dalawa ngunit sadyang matatag ang Pinoy at hindi hinayaang maungusan sa laban.
Sa 118 lbs. Division, nagsagupa ang dalawang Pinoy dahilan sa wala nang natitirang maaaring lumaban sa kanila. Tinalo ni Rey Saludar ang kanyang kateam na si Gerson Nietes sa makapigil hiningang laban ng dalawang boksingero mula Visayas, isang Ilonggo habang ang isa’y Cebuano.
Samantalang, ang kaisa-isang nakalasap ng pagkabigo ay si Ricky Dulay na natalo laban kay Leonardo Chavez ng Oscar de la Hoya Gym mula sa East LA at siyang nagwagi sa 122 lbs Division.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply