Testigo sa Ampatuan massacre binalak patayin

MULING nanindigan sa kanyang ikalawang pagharap sa pagdinig ng Maguindanao massacre case, binalak mano siyang ipapatay ng mga Ampatuan matapos ang malagim na krimen upang maikubli ang naganap na krimen.

Dahil sa takot ng testigong si Lakmudin “Laks” Saliao, sikreto umanong tinawagan niya si Eastern Mindanao Command spokesman Maj. Randolf Cabangbang upang hingan ng tulong na sunduin siya sa bahay ng mga Ampatuan.

Nang magkita umano sila ng opisyal sa bahagi ng Davao City, nakausap pa niya si Andal Ampatuan Jr. nang magkataong tumawag naman ito sa kasamang si Cabangbang.

Kuwento pa ni Saliao, doon na ibinigay ni Andal Jr. sa pamamagitan ng cellphone ang ilang instructions na dapat gawin sa lalong madaling panahon ang pagpatay sa legal counsel na si Atty. Philip Pantojan at iaakusa ang krimen sa mga Mangudadatu.

Ngunit  nakonsensya umano si Saliao kaya hindi na umano nito tinupad ang usapan at sa halip ay nakiusap na lamang daw ito kay Cabangbang na ihatid siya sa Department of Justice (DoJ).

Si Salio na dating house helper ng mga Ampatuan ay mahigit 20 taon ng nagtatrabaho sa mga Ampatuan na nagsimula noong 1987 hanggang November 2009.

Noong nakaraang linggo sa pre-trial hearing, ibinulgar din ni Laks na planado umano ng pamilya Ampatuan ang nangyaring masaker.

Giit ni Saliao, nagkaisa ang opinyon ng mga suspek batay sa ginawang pagpupulong sa mismong bahay ng mga Ampatuan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply