Titser inutas ng estudyanteng hiniya dahil sa ‘long hair’

MATINDING galit ang nagtulak sa isang estudyante para patayin ang kanyang guro matapos siyang mapahiya nang pagalitan siya nito at ukaan sa ulo dahil sa kanyang mahabang buhok kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead on arrival sa  Rodriguez Memorial Hospital dahil sa malalim na saksak sa likod ang biktimang si  Teodora Soner, 34 anyos, teacher sa Manuel L. Quezon High School sa Bagong Silang, Caloocan City at naninirahan sa #223 Lot 13, Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Nakakulong naman sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na itinago sa pangalang Boy Payaso, 15 anyos, 2nd year high school sa MLQHS at residente ng nasabing lungsod.  Sa imbestigasyon ni PO2 Reynaldo Placido, naganap ang insidente dakong 5:30 ng madaling araw sa Ascoville Road, Barangay 185, Malaria, Caloocan City.

Nabatid na nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kaibigan na si Luz Baldoza nang bigla itong lapitan at saksakin ng suspek sa likod.

Ayon sa ulat, inukaan ng guro ang buhok ng suspek dahil sa haba na labis na ikinapahiya nito. Lingid sa kaalaman ng guro ay nagtanim ng sama ng loob ang estudyante. Boy San Buenaventura/ R. A. Marque

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply