Toni at Mariel pagbabatiin ni Boy Abunda

BIRTHDAY wish ng magaling na TV host/talent manager na si Boy Abunda na magkabati ang kasama niya sa The Buzz na si Toni Gonzaga at ang talent niyang si Mariel Rodriguez.

Naibulalas kasi ni Toni sa presscon ng Kokey@Ako kamakailan ang samaan nila ng loob ni Mariel. At base sa mga pahayag ni Toni na ang ilang detalye ay binitin pa niya, mas malalim sa simpleng tampuhan ang gap nila ng dating close friend na si Mariel.

Kaya nasabi ni Kuya Boy na, “Gusto ko sana silang magkaayos. Magbi-birthday ako sa October, ang wish ko ay magkaayos sila.”

Inamin ni Kuya Boy na nabigla siya sa balitang sama ng loob ni Toni kay Mariel. “Even Toni, hindi nagsabi sa akin dahil bumubuwelo. Sabi kasi ng staff, one month na akong gustong kausapin ni Toni, pero hindi nangyayari.

“Sa mga talents ko kasi, hindi ako nakikialam sa personal. Karera ako. Hangga’t hindi sinasabi sa akin ng artista ko ang personal na bagay, ayaw ko talagang magtanong.

“Kapag nakakaapekto na, iyon siguro,” saad pa ni Kuya Boy na idinagdag pang kakausapin niya si Toni hinggil sa isyung ito.

Well, hopefully ay mapagkasundo nga ni Kuya Boy ang magkaibigang aktres dahil sayang naman ang closeness nila noon na nagsimula sa Pinoy Big Brother days pa.

* * *

Speaking of Mariel Rodriguez, marami ang nagulat sa balitang dalawang ulit nilang pagpapakasal ni Robin Padilla sa Baguio City kamakailan. Pero ang mas matindi, paglipas lang ng ilang araw ay itinanggi ni Binoe ang naturang kasalan na naging usap-usapan na halos sa buong bayan at naging laman ng telebisyon at mga pahayagan.

“Walang kasal na naganap, mga artista kami at mayroon kaming show na kung ibibigay namin ang mga detalye ay paano naman ang show naming iyon? Basta sa ngayon, ito na muna ang nagaganap na kabanata sa pag-iibigan namin ni Mariel.

“Abangan na lamang po natin ang iba pang magaganap, at humihingi kami ng patawad sa mga kalituhan na nangyari,” esplika ni Robin sa presscon na ginanap para sa kanyang Liwanag ng Kapayapaan Foundation (LKF).

Matapos ng maiksing pahayag ay ayaw na raw pag-usapan pa ni Binoe ang tungkol sa kasal. Nagpakita pa raw si Robin ng kaunting iritasyon sa pag-urirat ng media ukol sa nabanggit na kasalan, dahil ang gusto lang daw niyang pag-usapan ay ang tungkol sa kanyang foundation.

So, bakit kaya biglang kumambiyo si Binoe gayong hayag na hayag naman at halos ipagsigawan na nga niya sa publiko ang pagmamahal at kagustuhan niyang pagpapakasal kay Mariel noon pa man?

Sadyang marami ang nagdududa na para sa sitcom lang nila ang naturang seremonya na ginanap sa Baguio City sa isang seremonyang Ibaloi sa compound na pag-aari ng mga kamag-anak ng Padilla sa Barangay Camp 7 noong Sept. 13, alas tres ng hapon. Isang pastor naman daw ang nag-officiate sa pangalawang kasal ng magsing-irog.

Kung pang-TV lang ito, bakit kaya dalawang kasal pa ang ginawa kina Robin at Mariel? At kung bahagi lang ng forthcoming sitcom ng dalawa ang ‘kasal-kasalan’ kuno na ito, bakit kailangan pa silang ikasal ulit sa pastor? At bakit kaya umiiwas si Binoe na pag-usapan ito ng openly?

Hindi ko alam kung mababawasan ang pagiging astig at pag-idolo ko kay Binoe dahil sa usaping ito, pero sana ay magsalita pa siya ng mas maliwanag para naman hindi mabitin ang marami sa tunay na estado nila ni Mariel at lumabas ang tunay na anggulo sa balitang ito. Birada/Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply