Toni Gonzaga, ayaw nang makipagkaibigan kay Mariel

Marami ang hindi nakakaalam pero may alitan pala sa pagitan ng magkaibigang sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez. Maski kami ay hindi namin malalaman ito kung hindi ito naitanong ng isang reporter kay Toni sa prescon ng “Kokey At Ako”.

Kaagad naming naisip ang movie sana nina Toni at Robin Padilla na hindi na natuloy na eventually ay ibinigay na ng Star Cinema kay Mariel dahil ito na ang nai-link ngayon kay Robin. Pero hindi raw ito ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang magkaibigan. Ayon kay Toni mismo, bago pa raw dumating ang Robin movie ay hindi na sila magkasundo ni Mariel.

Ayaw nang tukuyin pa ni Toni kung ano talaga ang dahilan ng iringan nila ni Mariel pero wala raw itong kinalaman sa isang tao o sa pera o kung ano man. Basta na-hurt daw siya nang husto dahil itinuring niya talagang isang tunay na kaibigan na halos isang kapatid na si Mariel pero hindi niya inaasahan na iba-back bite raw siya nito.

Inalo pa namin si Toni na baka naman hindi totoo ang mga narinig niyang mga pagba-backbite sa kanya ni Mariel. Pero super reliable raw ang mga common friends na ito na nagkuwento sa kanya. At may mga “ebidensya” raw siyang nakalap na nagpapatunay na totoo nga ito.

“I have been very honest sa kanya right from the very start kaya hindi ko akalain talaga na magagawa niya sa akin ‘yun,”tanging nasambit ni Toni na halatang upset sa nangyari sa kanila ni Mariel.

Ayaw pa ring tukuyin ni Toni kung ano man ‘yung sinabi o ginawa ni Mariel laban sa kanya. Sa ngayon ay parang hindi siya interesado na makipagbati sa dating kaibigan.

“Ang alam ko ay naloloka sa kanya si Kuya Boy ngayon. May mga tao talagang hindi marunong magpahalaga ng pagkakaibigan. Alam kong masaya siya ngayon at nasa langit siya ngayon (dahil kay Robin). So be it!” pahiwatig ni Toni.

Hindi raw siya nanghihinayang na hindi natuloy ang movie nila ni Robin. Kasi binigyan naman siya ng another movie with John Lloyd Cruz ng Star Cinema. Pero aminado siya na nanghihinayang siya dahil hindi siya natuloy sa MMFF movie with Bong Revilla and Vic Sotto.

“Hindi ako pinayagan ng Star Cinema kasi busy na ako sa movie ko with John Lloyd. Well, ganyan talaga you cannot have it all. Wish ko pa rin na makasama ko sina Sen. Bong at Bossing Vic sa ibang projects,”tugon ni Toni.

Samantala ang old loveteam niya si Vhong Navarro ang kasama niya sa “Kokey At Ako” with Melason kaya siguradong patok ito!

RAYMART, DEDMA SA AWAYAN NG ASAWA AT ANGELICA

Ayaw nang magsalita pa ni Raymart Santiago sa prescon ng “Bantatay” tungkol sa iringan ng asawa niyang si Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Basta tulad nang sinabi niya noon, he is behind his wife 100% at bahala na raw ang lawyers nila tungkol sa kaso. Sa mga latest development, ang lawyers na rin nila ang magsasalita.

Mas gustong pag-usapan ni Raymart ang bago niyang teleserye na “Bantatay” kung saan magbabalik-tambalan sila ng ex-loveteam at ex-GF na si Gelli de Belen. Aminado siya na nagkailangan silang dalawa ni Gelli noong mga unang araw ng taping nila pero nagkapalagayang loob na rin sila ng mga sununod na tapings nila.

“More than 15 years ago pa ‘yung pagsasama namin ni Gelli kaya medyo nanibago pa kami sa isa’t isa noong una. Two years ding tumagal noon ang relasyon namin. Nakalimutan ko na nga ngayon kung anong dahilan ng paghihiwalay namin. Basta ang naalala ko hindi ako approved sa mga nanligaw noon kay Gelli after me. Pero nang dumating na si Ariel Rivera sa buhay niya, boto kaagad ako kay Ariel. Totoo ‘yan kahit tanungin niyo pa si Gelli,” kwento ni Raymart.

Siguradong magugustuhan ng mga bata ang “Bantatay” kasi papasok ang kaluluwa ni Raymart sa aso nilang pet kaya may pagka-fantaserye ang dating nito.  Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply