Tony Boy dedma lang sa jueteng inquiry

DINEDMA  ng dalawang opisyal ng pamahalaan at isang kaanak ni Pangulong Benigno Simeone “P-Noy” Aquino III ang isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa malawak na illegal na operasyon na jueteng sa bansa.

Sa ikalawang pagdinig ng komite, sinabi ni Blue Ribbon Chairman Sen. Teofisto “TG” Guingona Jr., na hindi makadadalo sina Tony Boy Cojuangco, DILG Undersecretary Rico Puno at Baguio City Mayor Mauricio Domogan.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Guingona nagpadala lamang ng liham ang tatlong personalidad na nabanggit ni Archbishop Oscar Cruz na pawang sangkot sa malawakang operasyon ng jueteng sa bansa maliban kay Cojuangco na kuma-usap sa kanya na maghinay-hinay kay Puno.

Pero sinabi naman  ni  Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi nararapat na dedmahin lamang ng sinumang opisyal ng administrasyon ang pagdinig dahil kailangan malaman ng Senado ang sistema kung bakit naging illegal ang jueteng kabilang ang operasyon nito at sistema bago gawing legal ang naturang sugal.

“As far as I can see, we should continue the hearing para malaman natin ang buong sistema kung bakit nasasangkot ang mga lokal na opisyal ng pulisya, ang pangkaraniwang mamamayan, at pambansang opisyal,” ani Marcos.

“Hindi nararapat na malaman lang natin kung sino ang sangkot sa jueteng tapos magsasagawa na tayo kaagad ng aksiyon upang gawing legal ito. Hindi dito nagtatapos ang isyu, bagkus dapat malaman natin ang buong sistema at operasyon ng jueteng upang malaman natin kung paano gagawing legal dahil hiwalay ang isyu ng pagkakasangkot ng mga opisyal ng pamahalaan at pulisya sa legalisasyon ng jueteng,” paliwanag ni Marcos. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply