Totongpats ng 30% “SOP” sisibakin

HINDI palalampasin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang mga katiwalian sa kanyang ahensiya particular ang paghingi ng porsiyento sa mga kompanyang nakakakopo ng proyekto ng ahensiya.

Ayon kay Tolentino, hindi siya mangingiming sibakin kaagad sa puwesto ang sinumang kawani o opisyal ng MMDA na mapapatunayang sangkot sa panghihingi ng 30-porsiyento komisyon.

Binigyang halimbawa ni Tolentino ang ginawa niyang pagsibak bilang consultant kay Roberto “Bobby” Esquivel matapos masangkot sa iba’t ibang kaguluhan na nakasira sa maayos na sanang pamamahala sa departamentong may kaugnayan sa pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko.

Si Esquivel ay kilalang malapit sa pamilya Tolentino at naging contractor pa sa paghakot ng basura sa Tagaytay City kung saan ang nakababata niyang kapatid ang alkalde subalit hindi ito naging dahilan upang kunsintihin ang mga kinasangkutang kaguluhan sa ahensiya.

Maganda aniyang makatuwang ng MMDA ang COA sa pagtuklas sa mga katiwaliang ginagawa ng kanyang mga tauhan upang maging madali ang pagsibak sa mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply