Totoy na suspek sa pagpatay isinuko ng magulang

DAHIL sa pangambang gantihan ng mga kaanak at kaibigan ng 15 anyos na napatay sa sumpak, isinuko kahapon ng mga magu-lang ang kanilang 14 anyos na anak na suspek sa kri-men sa Tondo, Manila.

Sa tanggapan ni Sr/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, nag-tungo si ginang Myra Castillo, nanay ng itinuturong suspek na itinago sa pangalang “To-toy,” ng Parola Compound, Tondo at isinuko ang anak matapos maimbestigahan ang kaso sa tanggapan ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid sa depensa ng totoy, nagawa umano niyang barilin ng sumpak ang bikti-mang si Diosdado Concrenio, out of school youth ng  111 Purok Isla Puting Bato, Tondo matapos siyang pagbabatu-hin umano ng bote at habulin ng ilang ka-grupo nito sa basketball court ng Isla Puting Bato.

Kasunod nito, nagtago pansamantala ang suspek ngunit sinugod umano ang kanilang bahay ng mga kaa-nak at kaibigan ng biktima na armado ng baril at ilang beses na nagpaputok.

Sa matinding takot ng mga magulang ni Concrenio, dali-dali nilang dinala ang anak sa DSWD upang isuko sa pulisya.

Napag-alaman din na ang sumpak na kanyang gi-namit sa pagbaril sa biktima ay napulot lamang niya nang minsang magkaroon ng kagu-luhan sa Parola. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply