Trader tigok sa boga

TIGOK ang isang “vegetable trader” matapos barilin ng hindi nakilalang lalaki habang nakaupo sa kanyang delivery jeep sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital si Jaime Campo, 48, ng Blk.118 Lot 6, Phase 3, Paliparan, Dasmarinas, Cavite sanhi ng tinamo nitong tama ng bala ng baril sa batok.

Sa imbestigasyon, 12:20 ng madaling-araw  nang maganap ang insidente sa Sto. Cristo, Divisoria.

Agad namang tumakas ang  hindi nakilalang salarin sakay ng kanyang pulang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay dumating sa nasabing lugar upang mamili ng mga gulay na kanyang ibebenta sa Cavite at Dasmarinas.

Nang  ipinarada ang kanyang  jeep (WLM-474) ay saka sumulpot ang suspek  at agad binaril ang biktima.

Tinitingnan naman ng pulisya kung may kinalaman ang isang parking attendant sa krimen kung saan napag-alamang nakaalitan ng biktima nito nakalipas na buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply